Vice Ganda game na game sa paggawa ng pelikulang pang-MMFF kasama si Bitoy: 'Tsaka dream ko rin talagang mag-Bubble Gang' | Bandera

Vice Ganda game na game sa paggawa ng pelikulang pang-MMFF kasama si Bitoy: ‘Tsaka dream ko rin talagang mag-Bubble Gang’

Ervin Santiago |August 27,2023
facebook
share this

Vice Ganda game na game sa paggawa ng pelikulang pang-MMFF kasama si Bitoy: ‘Tsaka dream ko rin talagang mag-Bubble Gang’

Ervin Santiago - August 27, 2023 - 09:21 AM

Vice Ganda game na game sa paggawa ng pelikulang pang-MMFF kasama si Bitoy: 'Tsaka dream ko rin talagang mag-Bubble Gang'

Michael V at Vice Ganda

G na G (game na game) ang Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda sa posibleng collaboration nila ng Kapuso Comedy Genius na si Michael V.

Ngayon pa lang ay excited na si Vice sa mga maaari nilang gawin ni Bitoy sakaling matuloy na nga ang kanilang pagsasanib-pwersa na matagal na nilang pinapangarap.

Matapos ngang ibandera ni Michael V sa kanyang social media account na napakaraming “possibilities” ang naiisip niyang gawin kapag nagsama sila ni Vice Ganda sa kanilang next projects.

Ani Bitoy sa kanyang Instagram post, “Recently, tuwing nagko-cross ang paths namin ni Vice Ganda, isa lang ang laging pumapasok sa isip ko… ‘possibilities.’

“In a time na parang ‘puwede na,’ ano sa tingin n’yo ang posibleng mangyari?” hirit pa ng komedyante.

Nagkomento agad sa post ni Michael V  ang kaibigan niyang si Ogie Alcasid, “Eto na yun pre,” na sinundan pa ng high five emojis.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Michael V. 🇵🇭 (@michaelbitoy)


Pati ang award-winning actress at naging leading lady ni Bitoy sa pelikulang “Family Story” na si Dawn Zulueta ay na-excite rin sa posibleng pagsasama nila ni Vice sa isang project, “Do it.”

Sa ulat naman ng “Unang Balita” sa GMA, sinabi ni Vice na napakarami rin niyang naiisip na pwede nilang gawin ni Bitoy. Aniya, kering-keri nilang gumawa ng pelikula na maaaring ilaban sa Metro Manila Film Festival.

Baka Bet Mo: Kuya Kim pangarap ding makatrabaho si Bitoy sa Bubble Gang; may bwelta sa bashers

Inamin din ng TV host-comedian na matagal na niyang pangarap na mag-guest sa “Bubble Gang,” ang longest-running gag show na pinagbibidahan ni Bitoy sa GMA 7.

“Dream ko kasing mag-Bubble Gang. Nag-aantay din lang ako ng imbitasyon at saka kung anong gagawin,” sey ng “It’s Showtime” host.

Aside from a possible collaboration sa pelikula at guesting sa “Bubble Gang,” pwede rin daw silang gumawa ng kanta ni Bitoy.

“Napakaraming posibilities, puwede kaming gumawa ng kanta together di ba?” chika pa ni Vice.

Naging trending topic sa social media kamakailan ang guesting ni Bitoy sa “It’s Showtime” kasama ang partner niya sa Kapuso comedy show na “Pepito Manaloto” na si Manilyn Reynes.

In fairness, ngayon pa lang ay abangers na ang mga fans nina Vice at Bitoy sa gagawin nilang projects together, pero karamihan sa mga nabasa namin ay nag-request na sana’y very soon ay mag-guest na ang Unkabogable Star sa “Bubble Gang.”

Joshua Garcia, Gabbi Garcia magtatambal daw sa bonggang collab ng ABS-CBN at GMA 7

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bonggang collab ng ABS-CBN at TV5 tuloy pa rin; ‘Batang Quiapo’ ni Coco pasabog para sa 18th death anniversary ni FPJ

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending