Janice de Belen 'umalma' sa pa-chicharon ni Vice Ganda: 'Buti na lang...makunat pala' | Bandera

Janice de Belen ‘umalma’ sa pa-chicharon ni Vice Ganda: ‘Buti na lang…makunat pala’

Alex Brosas |August 27,2023
facebook
share this

Janice de Belen ‘umalma’ sa pa-chicharon ni Vice Ganda: ‘Buti na lang…makunat pala’

Alex Brosas - August 27, 2023 - 08:21 AM

Janice de Belen 'umalma' sa pa-chicharon ni Vice Ganda: 'Buti na lang...makunat pala'

Vice Ganda at Janice de Belen

NAALIW yata si Vhong Navarro sa recent ganap sa “It’s Showtime” kung saan inisnab ni Vice Ganda si Janice de Belen nang mamigay ito ng chicharon habang nasa stage.

Kitang-kita ang reaction ni Janice na halos naningkit ang mata sa pagkagulat dahil sa ginawa ni Vice Ganda.

Vhong posted the short video on his Instagram account with this caption, “Ate @super_janice I got ur back!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Hindi naman nabigo ang TV host-actor dahil nag-react sa post niya si Janice at ibinuking na hindi naman kawalan sa kanya ang chicharon.

“@vhongx44 buti na lang, makunat pala yung chicharon,” reaction ni Janice kay Vhong.

Ang daming nag-react sa comment ni Janice.

“HAHAHAHHAA BINUKING.”

“Ang hirap tumawa kapag madaling araw na shuta HAHAHA.”

“Ginanti mo pala vhongskie ah HAHAHA cute!!”

“Lagot kayo kay leona hahah.”

“Napanonood ko to ang sama nag tingin ni meme.”

“HAHAHAHA na back to you mo si meme dun Kuys ahh.”

Baka Bet Mo: Hugot ni Janice sa ‘cheating’: Ang daling magpatawad, sasabihin mong, ‘I’m sorry, hindi na mauulit uli’, pero ganu’n pa rin

“Tawang tawa din ako eh. Laugh trip yung reaction ni @super_janice parang at @praybeytbenjamin parang mga batang paslit.”

Samantala, umabot na ng lampas 23 million followers at subscribers ang tumututok sa bawat ganap ng hit popular noontime show ng ABS-CBN na “It’s Showtime” sa social media habang ipinagdiriwang ng online show nito na “Showtime Online U” ang kanilang ikapitong anibersaryo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Araw-araw ay kapit na kapit ang madlang people sa mga banat at lokohan ng hosts ng “It’s Showtime” kasama ang contestants ng bawat segment ng show tulad ng “Rampanalo,” “Isip Bata,” “Mini Ms. U, ” at “Tawag ng Tanghalan” kaya naman hindi nawawala sa trendlist ang hashtags at viral clips nito.

Samantala, hindi rin natatapos ang pagbibigay ng kasiyahan at ngiti sa bawat madlang people ng longest running online noontime show ng bansa na “Showtime Online U” sa pagpapakilala nila sa online sensation na si AC Soriano at Kalokalike Face 2 Level Up grand champion na si Nicki Morena bilang bago nitong hosts na siyang kumumpleto sa kanilang ikapitong anibersaryo noong Sabado (Agosto 19).

“14 years na akong solid Showtimer. Maraming salamat sa pagwe-welcome niyo sa akin dito. Wala ng bawian,” sabi ni AC .

Para naman kay Nicki, “Sobrang laki ng utang na loob ko sa Showtime kasi nakagraduate ako dahil sa kanila. Sobrang blessing itong ‘Showtime Online U’ para sa akin.”

Sasamahan nina AC at Nicki ang mga host na sina Ana Ramsey, Wize Estabillo, Sam Coloso,  JM Dela Cerna, Marielle Montellano, Dan Delgado, Lorraine Galvez, Anne Tenorio, at Anthony Castillo na nagbalik-tanaw sa kani-kanilang journey sa “It’s Showtime” at “Showtime Online U.” Malaki ang kanilang pasasalamat sa oportunidad na ibinigay ng show para makapagpasaya ng madlang people.

Sa mga nagdaang taon, siksik sa kwela at kasiyahan ang hatid ng “Showtime Online U” sa manonood tulad ng napapanood nila sa “It’s Showtime.”  Bukod sa saya na dala ng online show, rito mas nakilala ng manonood ang kwento ng bawat contestant sa mga paboritong segment ng “It’s Showtime” pati na rin ang kani-kanilang angking talento.

Cebuanong tatay naka-graduate sa college dahil sa pagtitinda ng chicharon: ‘Salamat mga suki!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Video ni Vice Ganda na nilagpasan si Janice de Belen sa pagbibigay chicharon, viral: Natatakot ako sa maaaring gawin sa akin ni Leona!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending