Love advice ni Sue kay Diego: May kanya-kanya tayong preferences pag dating sa love | Bandera

Love advice ni Sue kay Diego: May kanya-kanya tayong preferences pag dating sa love

Reggee Bonoan |June 03,2022
facebook
share this

Love advice ni Sue kay Diego: May kanya-kanya tayong preferences pag dating sa love

Reggee Bonoan - June 03, 2022 - 09:16 PM

Love advice ni Sue kay Diego: May kanya-kanya tayong preferences pag dating sa love
SA mahigit dalawang taong boyfriend/girlfriend relationship nina Sue Ramirez at boyfriend niyang si 2022 Mayor elect Javi Benitez ng Victorias City, Negros Occidental ay inamin nitong hindi pa rin ganu’n ka-successful ang relasyon nila.

Nasambit ito ng aktres sa virtual mediacon ng pelikula nila ni Diego Loyzaga na “How to Love Mr. Heartless” mula sa direksyon ni Jason Paul Laxamana for Viva Films.

Aniya, “At this point in time, 25 na ako, well, lost din naman ako sa buhay. Hahaha! ’Di ba, at 25 ’yon naman ’yong pinaka-unang trait mo, lost ka, e. At this point hinahanap mo pa talaga kung saan ang path mo. Hindi ko ia-acknowledge na perfect ang relationship ko kasi LDR (long distance relationship) din kami ni Javi and all.”

Kaya ito nakuwento ni Sue ay dahil tinanong siya kung ano ang maipapayo niya sa leading man niya pagdating sa pakikipag relasyon dahil sa kasalukuyan ay single si Diego since December at isang taon lang halos inabot ang samahan nila ni Barbie Imperial.

Ipinagdiinan ng aktor na hindi niya girlfriend ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Franki Russel kahit pa nag-viral ang larawan nilang sweet sila.

Sa pagpapatuloy ni Sue, “napag-usapan naman natin ’to, e, somewhere along the tengga times sa shooting ng How to Love Mr. Heartless.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sue Dodd (@sueannadoodles)

“Wala naman. Each has his own talaga, may kanya-kanya tayong preferences pag dating sa love. And hindi ko p’wedeng, alam mo ’yon, hindi i-acknowledge o i-discredit kung ano man ang ginawa n’ya para sa pagmamahal dahil lang iba ’yong way ko. So, hindi ko alam.

“Kaya ni Diego ’yan. I think, kung paano s’ya ngayon, ’yong state of mind n’ya, state of being n’ya talaga…alam naman n’ya ang nangyayari. Kayang kaya n’ya ’yan. I don’t think he needs my advice.

“Do you need my advice? I don’t think so. Baka ikaw pa ang makapagbigay sa akin ng advice. Hahaha!”

Ganting sagot ni Diego,“It’s a learning process, Sue. We learn each day.”

Para sa mga Gen Z ay ano ang puwedeng ipayo ng dalawang bida ng “How to Love Mr. Heartless”.

“Chill. Love yourself first please. Wala kang maibibigay sa relasyon kung hindi mo mahal ang sarili mo, unang-una. Magiging toxic lang kayo tapos yeah. It’ll get shitty,” Natawang sabi ng aktor.

“Tama, oh, ’di ba, si Diego ’yong magaling (sa advices). Makinig kayo d’yan,” pang-aasar ng aktres.

Diretsahang sabi pa ni Sue, ’Tsaka guys, ’wag kayong taeng-taeng magka-d’yowa. Darating din ’yan sa tamang panahon at tamang timing. D’yos ko, ’wag kayong taeng-tae. Enjoy-in n’yo ’yong time na meron kayo for yourself. Hindi n’yo alam ma-busy kayo. Ang dami n’yong responsibilidad na gagawin. Enjoy-in n’yo ’yong oras na meron kayo para sa sarili ninyo before kayo mag-commit sa ibang tao. Well, hindi mo talaga mae-enjoy kung hindi mo ganu’n kakilala ang sarili mo. So I think baka ’yon. Kilalanin mo muna nang todo.”

Anyway, mapapanood ang bagong pelikulang sinulat at idinirek ni Jason Paul Laxamana na How to Love Mr. Heartless sa June 10 sa Vivamax Plus at June 17 sa regular screening nito sa Vivamax.

Related Chika:
Sue Ramirez umaasang si Javi Benitez na ang the one: Kapag nag-love ako, love ko talaga…sana siya na

Sue Ramirez handa na nga bang lumagay sa tahimik kasama ang dyowa?

Sue Ramirez inalala ang pagkakasakit ng ama: Daddy’s girl kasi ako kaya talagang apektado ako

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sue never nag-inarte sa mga love scene nila ni Zanjoe: Hindi na kami nahirapan dahil…

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending