Pagho-holding hands, kulitan nina Barbie at David off-cam kinakiligan; Bea umubra kaya sa mga pasabog ni Andrea? | Bandera

Pagho-holding hands, kulitan nina Barbie at David off-cam kinakiligan; Bea umubra kaya sa mga pasabog ni Andrea?

Ervin Santiago |October 15,2023
facebook
share this

Pagho-holding hands, kulitan nina Barbie at David off-cam kinakiligan; Bea umubra kaya sa mga pasabog ni Andrea?

Ervin Santiago - October 15, 2023 - 07:34 AM

Pagho-holding hands, kulitan nina Barbie at David off-cam kinakiligan; Bea umubra kaya sa mga pasabog ni Andrea?

David Licauco, Barbie Forteza, Andrea Torres at Bea Alonzo

KILIG overload na naman ang mga fans ng Team BarDa sa mga ipinalabas na BTS o behind-the-scenes ng special limited series na “Maging Sino Ka Man.”

Ipinost kahapon sa GMA Network Facebook page ang video nina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at Pambansang Ginoo David Licauco na talaga namang kinakiligan ng kanilang mga tagasuporta.

Makikita sa viral video ang kanilang pagho-holding hands at kulitan habang off-cam! Talaga namang very close na ang magka-loveteam kaya naman tuwang-tuwa ang mga fans at netizens.

Komento ng isang social media user, “BarDa love team kilig forever! Bagay na bagay sila! Basta nagtabi, holding hands agad!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BarDa Official ✨ (@bardaofc)


“Nagbo-bloom sila together ang ganda nilang tingnan! Thank you so much GMA for posting frequently about David Licauco and Barbie Forteza! Happy kami sobra!” sabi pa ng netizen.

Samantala, malalaman na kaya ni Carding (David) na iisa sina Dino at Monique (Barbie)?

Baka Bet Mo: Kathryn umaming touchy at clingy na dyowa: Very hands on girlfriend ako kay DJ

Paano nga ba nila mapoprotektahan ang isa’t isa mula sa mga grupo nina Boss Frank (E.R. Ejercito) at Alex (Jeric Raval)?

Subaybayan ang “Maging Sino Ka Man,” mula Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m. sa GMA Telebabad habang 9:40 p.m. naman sa GTV.

* * *

Painit nang painit ang mga eksena sa GMA primetime series na “Love Before Sunrise” sa GMA Telebabad.

Nagsisimula pa lang ang love story nina Stella (Bea Alonzo) at Atom (Dennis Trillo) pero marami nang challenges ang dumarating sa kanila.

Bukod sa family problems ng isa’t isa, tuloy rin sa pang-aakit si Czarina (Andrea Torres). Bibigay kaya sa tukso si Atom?

Samantala, mangyayari na ang pinakahihintay na face-off nina Stella at Czarina!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Torres (@andreaetorres)


Mari-reveal na nga na si Czarina ang boss ni Atom na siya ring nagpa-suspend kay Stella sa trabaho. Sino kaya ang magiging mas matimbang sa buhay ni Atom?

Baka Bet Mo: Sharon kay Robin: For the first time in 32 years, parang may nalimutan ka nu’ng January 6…Lab ko pa rin yan kahit nakakainis minsan

In fairness, isa sa inaabangan talaga ng viewers ay ang magiging pasabog ng mga karakter nina Bea at Andrea, lalo na ang mga confrontation scenes nila. Siguradong yan ang tututukan ng kanilang mga fans.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya huwag na huwag bibitiw sa seryeng “Love Before Sunrise,” mula Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad. Pwede ring mag-stream sa Viu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending