Korean YouTuber Pyo Ye Rim pumanaw sa edad na 28
SUMAKABILANG buhay na ang kilalang YouTube vlogger na si Pyo Ye Rim nitong Martes, October 10, sa edad na 28.
Base sa report na inilabas ng Korean news portal na Allkpop, nakatanggap ang Busan Police Station and Fire Department ng report noong 12:57PM KST ukol sa babaeng nahulog sa Seongjigok Reservoir.
At nakilala nga bilang si Pyo Ye Rim ang babaeng ito.
Agad na dinala ng mga otoridad ang dalaga sa ospital pasado 4:20PM ngunit sa kasamaang palad ay binawian na ito ng buhay dahil sa cardiac arrest.
Isang kilalang content creator si Pyo Ye Rim sa South Korea na may followers nz 33,700 subscribers sa YouTube.
Baka Bet Mo: South Korean star Na Chul pumanaw sa edad na 36
Sa kabila ng wala pang malinaw na dahilan ng pagkakahulog ni Pyo Ye Rim sa sikat na tourist spot sa Busan, South Korea ay marami sa mga netizenscanf naghihinalan nag-suicide ito dahil may pagpapahiwatig na raw ito sa kanyang vlogs.
Matatandaang noong Apri 2023 ay ibinandera niya ang pagiging biktima niya ng bullying sa loob ng 12 taon simula noong nasa elementarya siya hanggang high school.
Na-inspire si Pyo Ye Rim matapos niyang mapanood ang series na “The Glory” na pinagbidahan ni Song Hye Kyo.
Saad niya sa kanyang vlog (English translation), “I am one of the people who suffered from school violence in elementary, middle, and high schools for 12 years.
“One YouTube channel has been targetting me, and I’ve suffered multiple personal attacks by anonymous people.”
Marami naman ang nagbintang kay Pyo Ye Rim na sinungaling at diumano’y wala raw katotohanan ang kanyang mga sinasabi ukol sa school violence na naranasan.
“I’m no longer confident enough to endure and overcome this pain.
“There’s nothing left to make me go on in life. Please don’t give up on my case,” dagdag pa ni Ye Rim.
Dahil raw sa maliit na probinsya lang siya lumaki ay pare-pareho lang ang naging kaklase niya noong elementary hanggang high school kaya nagtuluy-tuloy ang pangbubully sa kanya na umabot ng 12 taon.
Bukod sa mga masasakit na salita ay nakaranas rin ng pisikal na pananakit si Ye Rim mula sa mga nambu-bully sa kanya.
Related Chika:
Park Soo Ryun naaksidente, pumanaw sa edad na 29
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.