South Korean star Na Chul pumanaw sa edad na 36
SUMAKABILANG buhay na ang South Korean star na si Na Chul ngayong araw, January 21, sa edad na 36.
Ayon sa report na inilabas ng entertainment site na allkpop.com, ang dahilan ng pagpanaw ng aktor ay “exacerbated health issues”.
Bago nga raw tuluyang sumakabilang buhay si Na Chul ay dinala pa siya sa ospital dahil nga sa pagbagsak ng kanyang katawan.
Wala namang eksaktong dahilan na nabanggit kung anong “health issue” ang mayroon ang aktor.
Nakilala si Na Chul sa mga Korean drama series na “Vincenzo”, “Touch Your Heart”, “Happiness”, “Through The Darkness”, at “Weak Hero Class 1”.
Nakasama rin ang aktor sa series na “Little Women” kung saan gumanap siya bilang abogado ng character ni Kim Go-Eun.
Ibinahagi pa nga ng aktres ang larawan ni Na Chul sa kanyang Instagram account na may caption na, “The best actor ever”.
View this post on Instagram
Kinansela rin ni Kim Go Eun ang kanyang appearance sa isang fashion show na naka-schedule ng January 22 upang magluksa sa pagkamatay ni Na Chul.
Related Chika:
Kristel Fulgar pumirma ng kontrata sa South Korea, pero hindi muna mag-aartista: I’m not prepared guys, so huwag muna mag-expect
Mikee Quintos nawalan ng passport habang nasa South Korea, hindi agad nakauwi ng Pilipinas
Jin ng BTS nagsimula na sa kanyang mandatory military service sa South Korea
149 katao patay sa ‘Itaewon Holloween’ stampede sa South Korea; ano nga kaya ang tunay na nangyari?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.