Mikee Quintos nawalan ng passport habang nasa South Korea, hindi agad nakauwi ng Pilipinas | Bandera

Mikee Quintos nawalan ng passport habang nasa South Korea, hindi agad nakauwi ng Pilipinas

Therese Arceo - December 01, 2022 - 08:37 PM

Mikee Quintos nawalan ng passport habang nasa South Korea, hindi agad nakauwi ng Pilipinas
ANG inaakalang masayang South Korea trip ng Kapuso actress na si Mikee Quintos ay nahaluan ng nakaka-stress na karanasan matapos niyang mawala ang kanyang passport.

Sa kanyang YouTube vlog na uploaded nitong November 29 ay ibinahagi ng dalaga ang mga pangyayari sa kanyang Korean trip kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan.

Nangyari ang trip nina Mikee noong October bago pa man naganap ang nakalulungkot na crowd surge sa Itaewon.

Masaya naman ang kanilang pamamasyal sa ibang bansa ngunit sa kalagitnaan ng kanyang vlog ay inamin niya na naiwan na siya ng eroplano.

“Nawawala ang passport ko. Lumipad na yung plane, naiwan na ako… May taping ako bukas 5:30 a.m,” pagbabahagi ni Mikee.

Kwento niya, ang kanyang ina raw ang nag-ayos ng kanyang mga gamit dahil nang pumunta siya sa kanilang kwarto ay check-out na raw.

“I was so ready to fix my things. Pag-akyat ko ng room, nililinis na yung kuwarto at wala na lahat ng gamit ko, so hindi ko na na-check yung passport ko,” saad ni Mikee.

Sa sumunod na araw ay makikita ang aktres na nagpunta ng police station para kumuha ng police report na kakailanganin para sa muling pagkuha ng passport.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mikee Quintos (@mikee)

Nagpakuha na rin ang dalaga ng ID picture at nagpunta na rin sa Philippine embassy.

“Mukhang things are looking good. Yesterday nawala ang passport ko at kagabi dapat ako uuwi,” kwento ng dalaga.

Nagbigay rin ng tips si Mikee sa kanyang mga viewers sakaling mawala rin ang kanilang passport gaya niya.

“If nawala niyo passport niyo, diretso kayo sa police muna. Nagpunta muna kami ng police kasi kailangan ng police report, na kailangan naka-translate in English. Sa tabi ng Philippine Embassy, may nagta-translate so ipi-print na rin nila iyon for you. Doon din kami nagpa-photocopy ng IDs ko, dun din kami nagpa-print ng soft copy ng passport ko na nawala.

“’Tapos kailangan ng four copies ng 2×2 na photo, details ng Korean visa. Naayos namin ang pag-book ng ticket dahil kailangan din yung ticket pabalik sa Pilipinas para ma-approve ang kailangang documents,” paglalahad ni Mikee.

Tagumpay naman ang Kapuso actress dahil naging maayos ang pagkuha niya ng passport at nakauwi na siya ng Pilipinas matapos ang dalawang araw kasama ang mga kaibigan niyang nagpaiwan.

“I hope nakita niyo na napakamaling mawala ng passport, so don’t make the same mistake,” paalala ni Mikee.

Lesson learned nga para sa dalaga ang nangyaring pagkawala ng kanyang passport sa ibang bansa ngunit sa kabila ng hassle ay pinili na lang niyang isiping blessing in disguise ang nangyari para matuto siya.

Related Chika:
Mikee Quintos ayaw pasukin ang politika; umaming super na-miss si Kelvin Miranda

Pamilya ni Mikee Quintos hindi boto noon kay Paul Salas: Basta ipinakita ko lang sa kanila kung sino ako

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

2 Kapuso actor hindi pabor sa relasyon nina Mikee Quintos at Paul Salas: ‘Pero si Lord na ‘yung nag-ayos ng problema’

Paul Salas feeling lucky na makatrabaho ang GF na si Mikee Quintos sa ‘The Flower Sisters’, umaming nag-struggle sa taping

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending