Vice Ganda kinaaliwan sa Sorsogon, napakanta ng 'Narda': Si Gov. ang mismo nag-request n’yan | Bandera

Vice Ganda kinaaliwan sa Sorsogon, napakanta ng ‘Narda’: Si Gov. ang mismo nag-request n’yan

Therese Arceo |October 12,2023
facebook
share this

Vice Ganda kinaaliwan sa Sorsogon, napakanta ng ‘Narda’: Si Gov. ang mismo nag-request n’yan

Therese Arceo - October 12, 2023 - 07:43 PM

Vice Ganda kinaaliwan sa Sorsogon, napakanta ng 'Narda': Si Gov. ang mismo nag-request n’yan
ALIW na aliw ang naging performance ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa nagdaang pagbisita nito sa Sorsogon.

Isa kasi sa mga artistang naimbitahan ang “It’s Showtime” host para mag-perform sa ginaganap na Kasanggayahan Festival ng probinsya.

At marami nga ang natawa at naloka nang biglang kantahin ni Vice ang “Narda” na siyang oroginal song ng Kamikazee.

Base sa ibinahaging video ng Sorsogon News, nais handugan ng Unkabogable Star ang madlang pipol ng kantang mula sa mga taong hindi makakapunta sa lugar.

“Kumanta tayo ng mga awitin ng mga taong hindi muna makakapunta rito, okay, so here’s something for you,” saad ni Vice.

At ang una nga nitong kinanta ay ang “Love Story” na kanta ni Taylor Swift.

Ngunit mash up pala ang handog ni Vice nang bigla niyang idinugtong ang “Narda” pagkatapos.

Matatandaang naging laman ng balita ang Kamikazee kamakailan nang paalisin sila ng mismong gobernador ng Sorsogon na si Gov. Boboy Hamor dahil sa diumano’y pagiging bastos ng banda.

Baka Bet Mo: Banat ng mga bashers, dapat na raw hiwalayan ni Vice Ganda si Ion Perez dahil…

Nagalit rin daw ang gobernador nang tumanggi ang banda na magpakuha ng larawan sa bagong tourist attraction na Thousands Light Roses matapos nitong pumayag noong umpisa.

Sinabi rin ni Gov. Hamor na hindi na makakabalik sa kanilang lugar ang naturang banda at humingi ng tawad sa kanyang constituents. Nangako rin ito na dadalhin niya si Vice Ganda sa lugar upang makisaya sa Kasanggayahan Festival.

At hindi nga binigo ng gobernador ang mga taga-Sorsogon.

“Sabi ko sa inyo kakanta tayo ng mga awitin ng mga taong baka hindi muna makapunta dito. At kausap ko si Gov. Si Gov ang mismo nag-request n’yan,” sey ni Vice.

Pagpapatuloy pa noya, “Sabi ni Gov, ‘Kantahin mo naman o’. Kahit kalahati, kahit hindi ko masyadong alam ang kanta, pinagbigyan ko na din. I love you, Gov!”

Nag-post rin si Vice sa kanyang Facebook account ng kanyang pasasalamat sa mainit na pagtanggap ng Sorsogon sa kanya.

“Zenkyooow so much Madlang People in Sorsogon sa pakikipag-GV with me!!!! Chugug na chugug ang experience!!!!!!!!!!!!!” caption niya sa kanyang post.

Related Chika:
Vice Ganda basag na basag kay Juan Ponce Enrile: ‘Akala mo maganda ang ginagawa mo…bastos ka, bastos kang tao!’

Vice Ganda itinuturing na superhero si Ion Perez: He fully understands me

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jay Contreras ng Kamikazee sa kabila ng isyung pagpapauwi sa kanila ng gobernador ng Sorsogon: ‘I choose love’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending