Buboy biggest blessing ang turing kay Isko: ‘Sa kabila ng kung anu-anong sinasabi nila sa akin, may Yorme na nakaka-appreciate sa akin’
PARA sa TV host at komedyanteng si Buboy Villar, isa sa mga biggest blessing na natanggap niya this year ay ang makatrabaho si former Manila Mayor Isko Moreno.
Magkasama sina Buboy at Isko bilang mga regular host ng “Eat Bulaga” sa GMA. Sila rin ang naka-assign sa “G sa Gedli” segment ng programa.
Sey ni Buboy, super thankful and grateful siya kay Isko dahil bukod sa enjoy na enjoy na siya sa samahan nila sa “Eat Bulaga”, marami rin siyang natututunang life lessons mula rito.
Sa panayam ng online entertainment show na “Marites University”, natanong si Buboy kung ano ang feeling niya na nakatrabaho niya si Yorme.
Baka Bet Mo: Buboy Villar ginugulpi noong bata: Isinumpa ko po yung tatay ko dati…
“Isang blessing pa po na makasama si Yorme sa isang segment na ‘G sa Gedli,'” sagot ni Buboy.
Sabi pa ng komedyante, mas naging chill at relax daw siya sa pagiging host ng “Eat Bulaga” nang dahil kay Isko at nabawasan din ang pressure sa kanyang pagtatrabaho.
View this post on Instagram
Sabi pa ni Buboy, “Actually, isa lang ‘yung parang tumatak talagang sinabi sa akin ni Yorme, ‘Put God first.’ ‘Yun talaga.
“The rest, siya na magha-handle nu’n. Kumbaga ibibigay na lang sa ‘yo ni Lord, ‘Dito ka na lang dumaan, yes or no ka na lang,’” aniya pa.
Baka Bet Mo: Pagre-resign ni Buboy sa Eat Bulaga ‘fake news’: ‘Patuloy pa rin akong magpapasaya sa Dabarkads!’
Sabi pa ng TV host, “Thank God na araw-araw ko siyang nakakasama, araw-araw meron akong word of wisdom na naririnig sa kanya.
“At mas nae-encourage ako and the rest ng staff and crew na ipagpatuloy po araw-araw ‘yung Eat Bulaga, araw-araw ang ‘G sa Gedli,’” sabi pa ng Kapuso comedian.
Nagpasalamat din si Buboy kay Yorme sa lahat ng natutunan at matututunan pa mula kay Isko, “Sa kabila ng kung anu-anong sinasabi nila sa akin, merong Yorme na nagsasabi sa akin ng ganyan, merong Yorme na nakaka-appreciate sa akin.
Buboy nagtatrabaho, nagsasakripisyo para sa mga anak na nasa US: Iba pa rin yung naaamoy at nayayakap mo sila
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.