'Pepito Manaloto' star Mosang kumikita na ng P100k kada buwan sa naipundar na karinderya, sinuwerte sa 'budbod' | Bandera

‘Pepito Manaloto’ star Mosang kumikita na ng P100k kada buwan sa naipundar na karinderya, sinuwerte sa ‘budbod’

Ervin Santiago - October 12, 2023 - 07:20 AM

'Pepito Manaloto' star Mosang kumikita na ng P100k kada buwan sa naipundar na karinderya, sinuwerte sa 'budbod'

Mousing

ANG bongga naman pala ng karinderya business ng komedyanang si Mosang na tumatakbo na ngayon ng 14 years.

Knows n’yo ba kung magkano ang kinikita ng komedyana kada buwan sa kanyang negosyo? Umaabot lang naman daw sa P100,000 every month!

Naikuwento ni Mosang o Maria Alilia Bagio sa tunay na buhay, ang tungkol dito sa programang “Pera Paraan” ni Susan Enriquez sa GTV.

Matatagpuan ang kanyang Elcep’s Budbod sa Bukidnon St., Brgy. Ramon Magsaysay, Bago Bantay sa Quezon City kung saan ang star ng kanyang karinderya ay ang “budbod.”

“Alam n’yo na, pag karinderya, pagkain ng masa. Ang tinitinda ko dito ay yung tinatawag naming budbod. Actually, it’s rice toppings na iba-iba.

Baka Bet Mo: Willie kay John Lloyd: Ang galing mo, fan mo ako…napakabuti mong tao

“Puwede ka maglagay ng kung anong gusto mong topping sa ibabaw. Pero sa amin mainly is yung maskara ng baboy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mosang (@mosang72)


“Tapos puwede mong lagyan ng tocino, puwede mong lagyan ng maling, ng hotdog, puwede mong lagyan ng tapa. Kung anong gusto mong i-topping, bahala ka,” pahayag pa ng komedyana.

Base sa report, ang budbod, na nagmula sa salitang “budboran” ay nag-originate raw sa Rizal na isang fried-rice meal.

“Itong budbod ay na-discover ko mga way back 2011 pa. Nu’ng tinayo ko itong tindahan noong mga 2009 something, wala pa kami talagang signature dish.

“So, dito sa Bago Bantay, kapag nilakad mo yung buong Bago Bantay, marami ditong karinderya, e. Nu’ng nagsimula ako, talagang suntok sa buwan, sabi ko, ‘Ay ang daming nagtitinda ng ulam,'” paliwanag pa ni Mosang.

Kaya naman naisipan niya na ibenta ang budbod bilang specialty ng kanilang karinderya hanggang sa balik-balikan na ito ng mga suki niya.

Sabi pa ni Mosang, naisipan niyang magnegosyo sakaling wala na siya sa showbiz, “Siyempre sa isang katulad ko na matagal na sa industriya ng pag-arte, lagi ko iniisip, ‘Anong fallback ko? What if hindi na ako makaarte?’

Baka Bet Mo: Faith da Silva niyayang lumafang sa karinderya ang ka-date na lalaki, ‘nag-propose’ sa gitna ng EDSA: ‘Would you like to be my boyfriend?’

“And then iniisip ko rin, sabi ko parang I have relatives na walang work, so siyempre, para makatulong din naman at the same time.

“Saka ako para sa sarili ko, in times na hindi ko na kakayanin, meron akong natitirang business na puwede akong kumita pa,” sabi pa ni Mosang.

Inihalintulad pa niya ang kanyang negosyo sa mundo ng showbiz, “Sa pag-aartista, kailangan mabilis kang mag-memorize ng mga bagay-bagay. Marunong kong makisama sa tao. Ganoon din sa pagtitinda.”

Sa pagnenegosyo kailangan daw ng, “Disiplina. Kailangan mo ng commitment. Sa pagtatayo ng business, kailangan mo ng disiplina in terms of paghawak ng pera. Huwag kang bulagsak. Kung kumita ka, huwag mong ubusin. Magtabi ka.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Meron na siya ngayong 10 staff sa kanyang eatery at kumikita ng P100,000 a month. Bongga na, di ba?!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending