Panganay na anak ni Janna Dominguez pumanaw isang araw matapos ibandera sa buong universe ang pagsilang ng ika-4 na baby | Bandera

Panganay na anak ni Janna Dominguez pumanaw isang araw matapos ibandera sa buong universe ang pagsilang ng ika-4 na baby

Ervin Santiago - October 09, 2023 - 06:49 AM

Anak ni Janna Dominguez pumanaw isang araw matapos ibandera sa buong universe ang pagsilang ng ika-4 na baby

Yzabel Ablan, Janna Dominguez at Baby Leon

NAGLULUKSA ngayon ang pamilya Kapuso comedienne na si Janna Dominguez dahil sa pagpanaw ng kanyang anak na si Yzabel Ablan.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ibinahagi ng komedyana at “Pepito Manaloto” star sa kanyang mga kapamilya, kaibigan at mga kasamahan sa showbiz ang malungkot na balita.

Ipinost ni Janna ang litrato ng namayapang anak sa IG kalakip ang ilang detalye tungkol sa burol nito sa Angeles, Pampanga.

Ang inilagay na caption ng aktres sa kanyang post, “Anak (sad face).

“It is with a heavy heart that we announce the passing of our beloved Yzabel Ablan.

“She has touched so many lives and she has been an inspiration to many,” mensahe ni Janna.

Sa isa pang IG post ni Janna, ibinahagi niya ang dahilan ng pagkamatay ng anak, “For those who are asking, Our Daughter Passed away.

“Because of a sudden heart failure and lung infection.

“Sa sobrang ayaw nya nakaka abala ng ibang tao hindi nya sinabi samen mga nararamdaman nya.

“Nag pa check up sya the day before and doctor gave her meds na kaya iniisip namen ok na. Then bigla
nlang ganon. She was at her condo in manila when she suddenly had a hard time breathing kasama nya Yaya ate Iyn nya that time.

Baka Bet Mo: Chito inamin kung paano napasagot si Neri: I made sure na hahanap-hanapin niya ako

“Ate Iyn called us kaya dumiretcho na kme agad ng manila. Pero wala after multiple attempts to revive here wala na tlag. God called her back home na.

“We Love you our Chabelits so much,” ang kabuuang mensahe ng aktres.

Bibigyan din ng kanilang pamilya ang lahat ng nagmamahal kay Yzabel ng pagkakataong makapagpaalam nang personal at makita sa huling pagkakataon ang kanyang anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janna Dominguez (@jannadominguez77)


“We will be holding her wake from October 8 to October 12 at La Pieta Funeral Homes, Angeles, Pampanga.

“We invite those who wish to pay their respects and celebrate her life to visit. Knowing Yza it will mean a lot to her,” ang saad pa ni Janna.

Ipinanganak si Yzabel noong November 12, 2002. Siya ay 20 years old.

Ibinalita ni Janna sa publiko ang pagkamatay ng anak, isang araw matapos niyang ibandera sa buong universe ang pagsilang ng kanyang ikaapat na anak, ang baby boy nilang si Leon.

Proud na ipinakita ni Janna ang bago niyang baby sa social media.

Hindi pa malinaw sa Instagram post ng Kapuso comedienne ang ilang detalye tungkol sa pagsilang niya kay Leon. Sabi lang ni Janna sa caption, “My brave Leon.”

May tatlo pang anak si Janna sa partner nitong si Mickey Ablan – sina Yzabel, Micael, at si Julliann Gabriel na isinilang naman noong 2017.

‘Pepito Manaloto’ star Janna Dominguez umamin: Hindi kami OK ng tatay ko, may samaan kami ng loob

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Shayne Sava kinawawa sa ‘AraBella’: Hinulog ako sa dram, itinulak sa swimming pool at kung anu-ano pa’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending