'Pepito Manaloto' star Janna Dominguez umamin: Hindi kami OK ng tatay ko, may samaan kami ng loob | Bandera

‘Pepito Manaloto’ star Janna Dominguez umamin: Hindi kami OK ng tatay ko, may samaan kami ng loob

Ervin Santiago |January 05,2022
facebook
share this

‘Pepito Manaloto’ star Janna Dominguez umamin: Hindi kami OK ng tatay ko, may samaan kami ng loob

Ervin Santiago - January 05, 2022 - 07:35 AM

Janna Dominguez

HINDI napigilang maging emosyonal ng Kapuso actress na si Janna Dominguez nang magkuwento tungkol sa kanyang tatay.

Inamin ni Janna na hanggang ngayon ay hindi pa rin okay ang relasyon nila ng ama dahil hindi pa raw niya ito napapatawad sa mga nagawa nitong mga sablay.

Ngunit sinabi naman ng aktres na ipinapanalangin niyang dumating na yung araw na buong-puso na niya itong mapatawad.

Sey ng aktres, “Yes naman, matagal naman na. Kaso kasi, hindi kami okay ng tatay ko. ‘Yung nanay ko, hindi ako lumaking kasama niya, nasa Japan siya ngayon,” ang pahayag ni Janna sa panayam ng Kapuso morning talk show na “Mars Pa More.”

Nabanggit din ng Kapuso star na dahil sa kagagawan ng ama, kinarir at tinuruan niya ang sarili na maging mabuti at responsableng magulang. 

Wala naman daw kasi siyang pagkukunan ng inspirasyon bilang magulang kaya “nagsariling-sikap” siya sa pag-aaral para maayos na mapalaki ang mga anak.

“Kasi noong 2021, ‘di ba Father’s Day. Kasi nga dahil may samaan kami ng loob noon, marami nang pinaghugutan ‘yun, eh. 

“Nag-comment talaga siya through social media na ‘even ang tatay mo hindi mo mabati ng Father’s Day?’

“So siyempre may dahilan ‘yon. Basta marami na ‘yon. Tapos binati ko ‘yung asawa ko bilang father. Tapos nag-message ako sa sister ko na, sabi ko kausapin mo ‘yung tatay natin kasi parang ayoko rin kasi na pahiyain siya.

“Kasi at the end of the day magulang natin siya, nandu’n pa rin ‘yung honor your father, honor your parents,” paliwanag ng komedyana.

Ngunit hirap man daw siyang patawarin ang ama, dasal pa rin niya na maging bukas muli ang kanyang puso para rito.

“Pero siyempre ‘yung forgiveness, puwede mong sabihin na, ‘oo na-forgive na kita, okay na,’ pero hindi siya bukal sa puso ko. 

“This past year pinag-pray ko ‘yun lahat. And maybe this year magkakitaan kami ulit. Para marunong na rin akong makipag-usap sa Itaas,” lahad pa ng celebrity mom at isa sa cast members ng original “Pepito Manaloto” nina Michael V at Manilyn Reynes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Janna Dominguez (@jannadominguez77)

Bitoy: Hindi mawawala sa ere ang Pepito Manaloto at hindi rin ako lilipat ng network

Sef, Mikee bibida sa prequel ng ‘Pepito Manaloto’ bilang batang Bitoy at Manilyn

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending