Mickey, Janna ipinatatayo na ang mausoleum ni Yzabel Ablan: 'How I pray that you were alive and we're getting you a new home na lang' | Bandera

Mickey, Janna ipinatatayo na ang mausoleum ni Yzabel Ablan: ‘How I pray that you were alive and we’re getting you a new home na lang’

Ervin Santiago |October 30,2023
facebook
share this

Mickey, Janna ipinatatayo na ang mausoleum ni Yzabel Ablan: ‘How I pray that you were alive and we’re getting you a new home na lang’

Ervin Santiago - October 30, 2023 - 08:50 AM

Mickey, Janna ipinatatayo na ang mausoleum ni Yzabel Ablan: 'How I pray that you were alive and we're getting you a new home na lang'

Mickey Ablan, Janna Dominguez kasama ang mga anak at ang ipinatatayo nilang museleo para kay Yzabel Ablan

KUNG buhay pa sana ang kanyang panganay na anak, hindi magdadalawang-isip si Mickey Ablan na bilhan ito ng bagong bahay.

Ipinatatayo na kasi ng pamilya ni Mickey, na isang MMA fighter, ang mausoleum para sa anak na si Yzabel Ablan na pumanaw noong October 7, dahil sa lung infection at heart failure.

Ibinalita ng partner ng Kapuso actress na si Janna Dominguez sa publiko sa pamamagitan ng kanyang Facebook account na sinimulan na ang construction sa “resting place” ni Yzabel.

Mensahe ni Mickey, “We Love you Yzabel Ablan (heart emoji). Construction starts Today for your Resting Place (praying hands emoji).

“How I Pray and Wish that you were Alive and we were getting you a New Home nalang (sad face emoji). Missing you so much,” ang pahayag pa ni Mickey.

Nauna rito, ipinasilip ni Mickey ang disenyo at ang magiging itsura ng museleo ng kanyang anak o ang paglalagakan ng labi nito. Dito, nagpasalamat din siya sa nakuha nilang designer.

Baka Bet Mo: Iwa Moto nagluluksa rin sa pagkamatay ng anak ni Mickey Ablan: ‘Mahal na mahal ko siya

Sabi ni Mickey, “Never in my Wildest Dreams ko naisip this will be your new Resting Place my Baby Girl Yzabel Ablan.

“You were supposed to Transfer to a Real House after Graduation and Leave your Condo,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janna Dominguez (@jannadominguez77)

Siguradong mixed emotions ang mararamdaman ng pamilya nina Mickey at Janna sa tuwing sasapit ang petsang October 7. Ito’y dahil nga sa pagkamatay ni Yzabel at ang pagsilang ng kanilang bunsong anak na si Michael Zab Leon III.

Base sa ulat, eksaktong 3:49 a.m. ng October 7, nang ipanganak ni Janna si Baby Leon habang 12:20 ng tanghali naman namaalam si Yzabel.

Sa isang FB post ni Mickey last week, sinisisi pa rin niya ang sarili sa pagkamatay ng anak matapos mabasa ang isang mensahe nito sa kanyang mga kaibigan.

Baka Bet Mo: Janna Dominguez nag-sorry kay Yzabel Ablan: ‘Alam ko may hinaing siya…may mga pagkukulang din ako bilang nanay’

“If only you told me ganon kalala Breathing Attack mo the night before you passed away Ate Yzabel Ablan maybe the outcome would have been different.

“Why tell your Friends lang?? You should have told me ako un andon that Night you had your first Breathing attack dapat I should have brought you na agad sa Hospital that Friday Night .

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I should have been more dilligent. All I gave you was your inhaler and water and have you checked up with a Doctor Online who gave you Garbage Meds how stupid can i be!” sabi pa ng partner ni Jannna.

“I’m so sorry My Baby Girl Yzabel please forgive Daddy (sad face, praying hands emoji). I Love you.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending