Janna Dominguez nag-sorry kay Yzabel Ablan: ‘Alam ko may hinaing siya…may mga pagkukulang din ako bilang nanay’
HUMINGI ng sorry ang Kapuso actress na si Janna Dominguez sa namayapang anak nila ni Mickey Ablan na si Yzabel Ablan.
Napakasakit ng iyak ni Janna habang binabalikan ang mga alaala ni Yzabel noong nabubuhay pa ito nang magbigay siya ng eulogy sa burol ng dalaga.
Si Yzabel ay anak ni Mickey sa nauna nitong karelasyon pero sa kabila nito, itinuring
Sa isang Instagran post, ibinahagi ng Kapuso comedienne na namatay si Yzabel dahil sa heart failure at lung infection. Aniya, ikinagulat nilang lahat ang biglang pamamaalam ng dalaga.
Nagbigay ng eulogy ang “Pepito Manaloto” star kahapon, October 11, sa lamay ni Yzabel kung saan ikinuwento niya ang mga huling sandali na nakasama niya ang stepdaughter kay Mickey. Napanood ito sa isang Facebook live video.
Ipinagmalaki ni Janna na si Yzabel ang nagturo sa kanya kung paano ang maging isang mabuti at mapagmahal na ina.
“Lagi kong sinasabi sa lahat and very proud ako to say na si Yza ang first born child ko.
“Kahit hindi siya nanggaling sa sinapupunan ko, lagi kong sinasabi and ina-affirm siya na, ‘Ikaw ang anak ko. Ikaw ang una kong panganay.’ Kasi, siya ‘yung nagturo sa akin kung paano maging nanay,” mensahe ng aktres.
Dagdag pa ni Janna, “Alam niya na hindi ako perfect mom. Lagi ko sinasabi sa kaniya ‘yun na, ‘Anak, hindi ako perfect mommy na hinahanap mo, pero I will do my best para maging mabuting nanay sa ‘yo, sa mga kapatid mo.
“Never ko na napalo ‘yan. Sobrang bait, sobrang nakikinig talaga. Pero itong si Yza sobrang bait, nakikinig talaga sa ‘yo, sobrang bait niya,” ang paulit-ulit na papuri ni Janna sa namayapang dalaga.
Inamin din niya na may mga pinagdaraanan si Yzabel noong nabubuhay pa, “Alam ko may hinaing siya, na nao-open up, may mga pagkukulang ako bilang nanay din.
“Kasi, hindi ako sometimes affectionate, hindi ako masyado showy, touchy. Gusto ko kasi tough love, gusto ko sila turuan na maging matapang sa mundo na ‘to. Kasi, hindi naman all goodness ang meron dito sa mundong ito, ‘di ba?” pagbabahagi pa ng komedyana.
Kasunod nito, humingi nga ng tawad si Janna kay Yzabel, “Isa lang sa mga regret namin na nu’ng nangyari ‘yun wala kami sa tabi niya nu’n.”
Dito na napaiyak si Janna, “Du’n ako nagso-sorry sa kanya. Pero again, balik tayo sa sinabi niya, ‘God above all.’
“‘Yun ‘yung nagpapatibay sa akin ngayon, na message niya for me, na lahat ng mga tanong ko.. Kasi, alam ko ganu’n din kayo sa puso n’yo ngayon na may questions kayo.
“Bakit kailangan mangyari agad ito Again, share ko sa inyo, sabi niya, ‘God above all,’” aniya pa.
Bago tuluyang tapusin ang kanyang eulogy, sinabihan ni Janna si Yzabel ng, “I love you baby.”
Related Chika:
Iwa Moto nagluluksa rin sa pagkamatay ng anak ni Mickey Ablan: ‘Mahal na mahal ko siya kahit hindi ako ang nagluwal sa kanya’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.