Iwa Moto nagluluksa rin sa pagkamatay ng anak ni Mickey Ablan: 'Mahal na mahal ko siya kahit hindi ako ang nagluwal sa kanya' | Bandera

Iwa Moto nagluluksa rin sa pagkamatay ng anak ni Mickey Ablan: ‘Mahal na mahal ko siya kahit hindi ako ang nagluwal sa kanya’

Ervin Santiago |October 10,2023
facebook
share this

Iwa Moto nagluluksa rin sa pagkamatay ng anak ni Mickey Ablan: ‘Mahal na mahal ko siya kahit hindi ako ang nagluwal sa kanya’

Ervin Santiago - October 10, 2023 - 12:20 AM

Iwa Moto nagluluksa rin sa pagkamatay ng anak ni Mickey Ablan: 'Mahal na mahal ko siya kahit hindi ako ang nagluwal sa kanya'

Iwa Moto at Yzabel Ablan

MATINDING sakit at pighati rin ang nararamdaman ngayon ng dating Kapuso actress na si Iwa Motto dahil sa pagpanaw ng panganay na anak ni Mickey Ablan.

Nagluluksa din si Iwa sa pagkamatay ni Yzabel Ablan na itinuring na rin niyang parang tunay na anak noong magsama sila ni Mickey noon bilang mag-asawa.

Matatandaang ikinasal sina Iwa at Mickey sa Cavite noong October, 2009 ngunit naghiwalay din matapos ang halos dalawang taong pagsasama.

Pero kahit na naghiwalay sila ni Mickey ay hindi naputol ang pagmamahal ni Iwa kay Yzabel na namatay sahil sa heart failure at lung infection.

Baka Bet Mo: Mickey Ablan wasak ang puso sa pagpanaw ng anak: ‘Ikaw dapat maglilibing sa ‘kin, bakit biglang ako na maglilibing sa ‘yo?’

Idinaan ni Iwa sa Instagram ang kanyang madamdaming mensahe para kay Yzabel, “My little butterfly. Thank you.

“Still can’t find words to say other than I love you so much and I will miss you. See you in my dreams my little warrior.. watch over us anak. Mommy loves you so much (broken heart emoji),” ani Iwa.

Bukod dito, nag-post din siya ng mga throwback photos ng dalaga na kuha noong nagsasama pa sila ni Mickey bilang married couple.

Pagbabahagi pa ni Iwa, “My heart is in so much pain… still can’t believe that my ate chabelits is gone. Heaven is lucky to have such a wonderful person.

“To all the people asking. Yzabel is my 1st born daughter. And yes hindi ako ang biological mom nya.

“I was her stepmom for a couple of years. Pero i know in my heart na mahal na mahal ko sya kahit di ako ang nag luwal sa kanya sa mundong to.


“Sya ang 1st ko sa madaming bagay,” aniya pa.

Pagpapatuloy pa ng hindi na aktibong aktres, “Tinuruan nya akong maging mommy. Maging patient, she always tells me that to be fully happy i have to learn to forgive.. and she is a survivor.

“Sobrang daming mong pinagdaanan anak. Nalampasan mo yun. And you become the best version of yourself, you have touched so many lives anak.

Baka Bet Mo: Iwa Moto tinawag na ‘pakialamerang palaka’ ng netizen, bet na mag-debate sina Leni at Ping

“Thank you kasi anak kahit ang tagal na nating d nakgkikita you never fail to greet me. Or just to say hi. You always have so much kwento. Mamimiss ko yun anak.

“Yung mag tetext ka sakin kung maganda ba ootd mo. Or mag rarant ka lang mamimiss ko yun anak. I wish i could have spend more time with you.

“Im sorry if i fail you anak. Sorry sa mga pagkakamali ko. tandaan mo anak na sobrang mahal ka ni mommy. See you in my dreams anak,” pagbabahagi pa ni Iwa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Balitang nakadalaw na rin si Iwa sa burol ni Yzabel kasama ang partner nitong si Pampi Lacson.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending