Sey ni Cristy Fermin, Deniece hindi pa rin tatantanan si Vhong: 'Ang motto niya, 'walang sukuan tuloy ang laban' | Bandera

Sey ni Cristy Fermin, Deniece hindi pa rin tatantanan si Vhong: ‘Ang motto niya, ‘walang sukuan tuloy ang laban’

Reggee Bonoan |March 20,2023
facebook
share this

Sey ni Cristy Fermin, Deniece hindi pa rin tatantanan si Vhong: ‘Ang motto niya, ‘walang sukuan tuloy ang laban’

Reggee Bonoan - March 20, 2023 - 05:48 PM

Sey ni Cristy Fermin, Deniece hindi pa rin tatantanan si Vhong: 'Ang motto niya, 'walang sukuan tuloy ang laban'

Vhong Navarro at Deniece Cornejo

GIGIL na gigil si Deniece Cornejo sa pagkaka-dismiss ng kasong rape at acts of lasciviousness na isinampa niya kay Vhong Navarro sa 3rd Division ng Korte Suprema.

Base sa kuwento ni Nanay Cristy Fermin sa “Showbiz Now Na” na in-upload ngayong hapon sa YouTube channel nila nina Romel Chika at Wendell Alvarez ay hindi pa rin titigil si Deniece.

Sabi ng online host, “Ang latest, hindi pa rin titigil itong si Deniece Cornejo, itutuloy pa rin niya ang kanyang paglaban dahil ang kanyang (motto) sa buhay, ‘walang sukuan’ tuloy ang laban mag-MR (motion for reconsideration) na naman sa Supreme Court.”

Balik-tanong ni Romel Chika, “’Nay tanong ko lang hanggang kelan ba ‘yang MR na ‘yan?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vhong Navarro (@vhongx44)


“Puwede ka kasing mag-MR mula sa lower court, puwede kang tumakbo ng Court of Appeals o kaya ay DOJ (Department of Justice) para mabaligtad ‘yung inaasahan mo na kaso, puwede ring sa Supreme Court kasi nga hindi pa final and executory,” paliwanag ni ‘Nay Cristy.

Pero minsan lang daw itong mangyayari at hindi puwedeng apela nang apela.

Nabanggit pa na kinuwestiyon ang tatlong affidavit ni Deniece at nang maupo siya bilang witness sa kaso ay kung anu-ano raw ang pinagsasagot nito dahilan kaya nakapagpiyansa si Vhong.

Wala raw bang kapaguran si Deniece sabi ni Wendell.

“Siguro mag-uusap ang mga abogado nila, mag-uusap sila, siyempre iyong pride naman ni Deniece. Sabi ko nga pagkadirek iyong pagtatanong kaya mong lusutan.

“Pero pag nag-cross (examination) ang abogado doon na, babali-baliktarin nila ‘yung tanong, eh.  Kapag talagang inconsistent ka, lalabas iyon,” paliwanag pa ni ‘Nay Cristy na marami na ang karanasan pagdating sa pagharap sa korte.

Baka Bet Mo: Vice Ganda inaming si Gigil Kid ang ‘discoverer’ ni Ion Perez: ‘Yung happy part ng life ko na ‘yun, malaking part ka

Dugtong naman ni Romel Chika, “Saka kapag nagsisinungaling ka, mahirap talaga iyon.”

“Oo, magkakaiba-iba ang salita mo,” sabi ni ‘Nay Cristy.

“Kapag totoo talaga kahit baliktarin ka, isabit kang patiwarik, alam mo ’yun,” diin naman ni Romel Chika.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vhong Navarro (@vhongx44)


Opinyon ni ‘Nay Cristy na hindi kayang tanggapin ni Deniece na natalo siya, “’Yung kahihiyan, ang tindi kasi no’n, eh!”

“Kasi ‘Nay may gusto siyang itayo, ‘yung pride kasi ‘yung pangalan niya ay nahusgahan din siya ng bonggang-bongga,” say uli ni Romel Chika.

Sabi naman ni Wendell, nakapuntos na si Vhong.

“Oo, totoo ‘yun. The mere fact na ibinasura ng supreme court ‘yung rape at acts of lasciviousness na dapat ay hindi pinayagan ng court of appeals na ibalik sa piskalya at lower court ‘yung kaso, panalo na si Vhong ng isang puntos.

“May mga ganu’n po talaga na kapag natatalo, aapela ng aapela po talaga sila at mahirap talagang tanggapin ‘yung ganitong kaso na ikatatalo mo dahil kahihiyan ang ikaakibat nito,” pahayag ni ‘Nay Cristy.

Sabi ni Wendell, “Pero magastos din ‘yan kung mag-aapela ka nang mag-aapela!”

“Oo, napakagastos, magkaroon ka nga ng kaso maliit o malaki, gastos kaagad at ang mga abogado magkano ngayon lalo na kung mahirap o matindi ‘yung kaso o celebrated case na tinatawag.  Acceptance fee palang napakamahal na, e, ‘yung pagpiunta pa sa korte? Napakalaking perwisyo.

“Kaya kung saan po ito patutungo hindi po natin alam pero hindi raw po papayag si Deniece Cornejo na basta na lang siya matalo sa labanang ito,” ang pahayag ng premyadong host at manunulat.

Vhong Navarro sinampahan ng kasong rape sa Taguig, komedyante nag-react: Alam ng Panginoon na nagsasabi ako ng totoo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

#LabanKungLaban: Vhong Navarro, Deniece Cornejo muling maghaharap sa korte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending