Deniece Cornejo may patutsada sa pagbabalik ni Vhong sa 'It's Showtime': #RhymesWithWrong | Bandera

Deniece Cornejo may patutsada sa pagbabalik ni Vhong sa ‘It’s Showtime’: #RhymesWithWrong

Therese Arceo |January 17,2023
facebook
share this

Deniece Cornejo may patutsada sa pagbabalik ni Vhong sa ‘It’s Showtime’: #RhymesWithWrong

Therese Arceo - January 17, 2023 - 06:57 PM

Deniece Cornejo may patutsada sa pagbabalik ni Vhong sa 'It's Showtime': #RhymesWithWrong

SA kabila ng mga balitang marami ang masaya sa pagbabalik telebisyon ni Vhong Navarro ay mukhang kabaligtaran ang nadarama ng modelong si Deniece Cornejo.

Sa kanyang Facebook account kasi ay tila may pasaring ito nang i-share ang FB post ng programang “It’s Showtime”.

Ayon sa post na ibinahagi ni Deniece, “Madlang People! Anong inaabangan nyo ngayong Lunes? Wrong answers only!”

Shinare ito ng dalaga at may pa-hashtag na “#RhymesWithWrong”.

Sa kabila ng pag-ani ng maraming reaksyon mula sa netizens ay naka-limit naman ang mga maaaring komento sa kanyang post.

Matatandaang ang naturang hashtag na ginamit ni Deniece ay siya ring ginamit noon ng TV host na si Kat Alano sa kanyang mga tweets at post patungkol sa diumano’y nanamantala sa kanya noon.

Anyway, halos apat na taon ring nawala si Vhong sa “It’s Showtime” matapos maglabas ng warrant of arrest ang Taguig Regional Trial Court para sa kasong rape na isinampa laban sa kanya ng dalaga.

Ngunit nitong Disyembre ay na-grant ang petisyon ng TV host-comedian na mag-bail at pansamantalang makalaya habang nililitis ang kaniyang kaso na inihain noong 2014 ni Deniece.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vhong Navarro (@vhongx44)

Related Chika:
Payo ng abogadong lolo ni Deniece sa kaso nila ni Vhong: Mag-settle na lang sila, at mag-move on…

Atty. Ferdinand Topacio nagbitiw bilang legal counsel ni Deniece Cornejo: May justice prevail this time

Vhong Navarro sinampahan ng kasong rape sa Taguig, komedyante nag-react: Alam ng Panginoon na nagsasabi ako ng totoo

#LabanKungLaban: Vhong Navarro, Deniece Cornejo muling maghaharap sa korte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending