Payo ng abogadong lolo ni Deniece sa kaso nila ni Vhong: Mag-settle na lang sila, at mag-move on... | Bandera

Payo ng abogadong lolo ni Deniece sa kaso nila ni Vhong: Mag-settle na lang sila, at mag-move on…

Reggee Bonoan |October 12,2022
facebook
share this

Payo ng abogadong lolo ni Deniece sa kaso nila ni Vhong: Mag-settle na lang sila, at mag-move on…

Reggee Bonoan - October 12, 2022 - 08:43 AM

Payo ng abogadong lolo ni Deniece sa kaso nila ni Vhong: Mag-settle na lang sila, at mag-move on...

Vhong Navarro at Deniece Cornejo

SANA’Y maareglo na lamang ng TV host at komedyante na si Vhong Navarro at ng dating modelo na si Deniece Cornejo ang kanilang mga kaso.

Sa panayam sa lolo ni Deniece na si Atty. Axel Gonzales ng “TV Patrol” ay nasambit niyang sana’y magkaroon ng aregluhan ang apo niya at si Vhong dahil pareho naman silang may kaso sa isa’t isa.

“Kung ako ang tatanungin as a lawyer ‘no, hindi ko pinangungunahan si Atty. (Howard) Calleja, di ba? But as a lawyer pareho silang may career dapat i-settle na nila ang problema.

“Because may rape case si Deniece kay Vhong, si Vhong naman may (kasong) serious illegal detention sa kanila, so what will you do?

“Ang punto is tulungan na lang natin ang korte!  Let us settle all these problems na puwedeng ma-settle di ba? And then move on na lang para sa akin,” paliwanag ng lolo ng dalaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vhong Navarro (@vhongx44)


Marami ang nagulat sa pahayag na ito ng lolo ni Deniece kaya ang tanong sa kanya ay, “Is this something that you recommend to Deniece?”

“No, that is what my personal opinion. Hindi ko i-hold ang grupo ‘no, especially marami ‘yan sila.  Para sa akin dapat siguro mag-settle na lang sila, mag move-on na lang para matapos na kasi ang mga nakikinabang lang dito mga abogado, eh,” katwiran ni Atty. Gonzales.

Hindi nagkaroon ng pagkakataong mag-face-to-face sa hearing nila kahapon sina Vhong at Deniece dahil sa pamamagitan ng online dumalo ang aktor at hindi siya nag-plead  kaya’t ang korte na mismo ang nagsabing “not guilty” ito.

Hiningan naman ng reaksyon ang lead counsel ni Deniece na si Atty. Calleja tungkol sa opinyon ng lolo ng dalaga pero tumanggi itong magbigay ng komento.

Dahil ang usapan daw nila ni Deniece ay mabigyan ng hustisya ang ginawang panghahalay umano sa kanya ni Vhong at wala naman silang napag-usapan tungkol sa areglo.

Samantala, nabasa namin ang ilang komento ng netizens sa isang online website tungkol sa opinyon ng lolo ni Denice na kaya raw nagsabi ng ganu’n ay dahil nakitaan umano nito na mahina ang kaso ng apo.

Sabi ni @Irish Frank , “Eh di lumabas din ang motibo bakit nag ingay si Deniece. Napapa-question ako kasi lolo yan eh kung totoong naagrabyado’ yong apo n’ya he’ll do everything para makulong ‘yong nang agrabyado sa apo nya. Just saying.”

Para kay @Christine Cualbar, “Kasi alam Ng Lolo nya na Wala tlga clang laban about Kay vhong,mas cla pa yon Ang madidiin sa kaso DHL na patunayan nyan na nkulong na cla Jan ni Cedric at conejo sa ginagawa nila Kay vhong, cguro namimis Naman nila ulit ang kulungan nila ni Cedric at conejo,so it means alam nila Kung cnu na Ang mananalo at madiditent sa kaso nilang get file Kay vhong, gsto ni cornejo na sumikat sya sa kahihiyan Ng kanyang ginagawa feeling victim, hahaha kawawang babaeng walang esip nagpagamit lang DHL sa pera.”

Sang-ayon din si @Gracia Salva, “hindi naman siya kasama sa gulo o kaso. Nakitaan guro niya na mahina ang kaso nila.”

Mula kay @Äuhc Käth , “Kung ako sayo Vhong tuloy mo laban. Turuan mo sila ng leksyon! Hinde porket alam nila na mahina na kaso makikipag areglo sila. Kapag pumayag ka. Hinde mo pa rin mapapatunayan na wala kang kasalanan dahil hinde naman ang batas ang nag desisyon niyan! Kailangan mo ng assurance at closure sa kaso na ‘yan para hinde na mabuksan pa ‘yan kahit kailan! pag tatawanan kalang ng mga yan kapag nakipag areglo ka at isa pa parang inamin mo na din na may kasalanan ka!”

#LabanKungLaban: Vhong Navarro, Deniece Cornejo muling maghaharap sa korte

Vhong Navarro sinampahan ng kasong rape sa Taguig, komedyante nag-react: Alam ng Panginoon na nagsasabi ako ng totoo

Vhong kay misis: Maraming salamat Mahal dahil lagi kitang nasa tabi sa hirap at sa ginhawa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abogado ni Vhong Navarro may pasabog na anggulo sa rape case na isinampa ni Deniece Cornejo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending