Vhong kay misis: Maraming salamat Mahal dahil lagi kitang nasa tabi sa hirap at sa ginhawa Bandera

Vhong kay misis: Maraming salamat Mahal dahil lagi kitang nasa tabi sa hirap at sa ginhawa

Ervin Santiago |September 06,2022
share this

Vhong kay misis: Maraming salamat Mahal dahil lagi kitang nasa tabi sa hirap at sa ginhawa

Ervin Santiago - September 06, 2022 - 09:50 AM

Vhong Navarro at Tanya Winona Bautista

TODO ang pasasalamat ng Kapamilya comedian at TV host na si Vhong Navarro sa kanyang asawang si Tanya Winona Bautista sa gitna ng issue ng rape case na isinampa laban sa kanya ni Deniece Cornejo.

Idinaan ni Vhong sa social media ang pagbati at pasasalamat sa kanyang misis bilang bahagi ng selebrasyon para sa kanilang 4th wedding anniversary.

Sa kanyang Instagram account, nag-share ang komedyante ng isang short video nitong nagdaang Linggo, September 4, kung saan makikitang naglalakad sila ni Tanya na nakatalikod sa camera.

Sa isinulat niyang caption, pinasalamatan ni Vhong ang Panginoong Diyos dahil binigyan siya ng asawang tulad ni Tanya na hindi lang niya asawa at karamay sa buhay kundi isa ring kaibigan.

“Maraming salamat Lord dahil binigay mo siya sakin. Pinag isa mo kami para manatiling matatag sa isa’t isa at mag-aalalayan habang buhay.

“Maraming salamat Mahal dahil lagi kitang nasa tabi sa hirap at ginhawa. Happy 14th Anniversary and Happy 3rd Wedding Anniversary! Iloveyousomuch (heart, face with kissing heart emojis),” ang kabuuang anniversary message ng TV host para sa kanyang wifey.


Kamakailan lamang ay na-headline na naman si Vhong matapos sampahan muli ng kasong rape sa Taguig Prosecutor’s Office sa Taguig City-RTC.

Ito’y bunsod na rin ng kautusan ng Court of Appeals sa Taguig prosecutors na sampahan ng kasong rape at acts of lasciviousness ang “It’s Showtime” host base sa reklamo ng dating modelong si Deniece Cornejo.

Nauna rito, inilabas nga ang desisyon ng Court of Appeals 14th Division noong July 21, 2022 na inilabas noong July 31, kung saan pinaboran nga ang petition for review na inihain ni Deniece.

Ibinasura ng CA ang mga resolusyon ng DOJ noong April 30, 2018 at July 14, 2020. Last August 31, inihayag ng Taguig prosecutors na pormal na nilang sinampahan ng kasong rape si Vhong.

Nanindigan naman ang comedian na wala siyang kasalanan at hindi niya ginahasa si Deniece, “Ang pagkakasala ko, ang kasalanan ko dito ay noong niloko ko ang girlfriend ko, at ito na yung wife ko ngayon.

“Lahat ng ibinibintang nila sa akin ay hindi totoo yun. Ako ay nagsasabi ng totoo. Alam ng Panginoon na nagsasabi ako ng totoo,” aniya pa.

Deniece Cornejo hindi iuurong ang rape case laban kay Vhong Navarro: Laban kung laban, wala nang atrasan

Vhong Navarro sinampahan ng kasong rape sa Taguig, komedyante nag-react: Alam ng Panginoon na nagsasabi ako ng totoo

Vhong Navarro pinakakasuhan ng rape, acts of lasciviousness ng Court of Appeals base sa reklamo ni Deniece Cornejo

Vice Ganda magbabalik pelikula na nga ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending