Mickey Ablan wasak ang puso sa pagpanaw ng anak: 'Ikaw dapat maglilibing sa 'kin, bakit biglang ako na maglilibing sa 'yo?' | Bandera

Mickey Ablan wasak ang puso sa pagpanaw ng anak: ‘Ikaw dapat maglilibing sa ‘kin, bakit biglang ako na maglilibing sa ‘yo?’

Ervin Santiago |October 10,2023
facebook
share this

Mickey Ablan wasak ang puso sa pagpanaw ng anak: ‘Ikaw dapat maglilibing sa ‘kin, bakit biglang ako na maglilibing sa ‘yo?’

Ervin Santiago - October 10, 2023 - 12:21 AM

Mickey Ablan wasak ang puso sa pagpanaw ng anak: 'Ikaw dapat maglilibing sa 'kin, bakit biglang ako na maglilibing sa 'yo?'

Janna Dominguez, Mickey Ablan at Yzabel Ablan

NAPAKASAKIT para sa partner ni Janna Dominguez na si Mickey Ablan ang pagkamatay ng kanilang anak na si Yzabel Ablan.

Si Yzabel ay anak ni Mickey sa una niyang nakarelasyon ngunit talagang itinuring na ring parang tunay na anak ni Janna.

Sumakabilang-buhay si Yzabel dahil sa heart failure at lung infection nitong nagdaang October 7, ayon sa official statement ng kanyang pamilya. Siya ay 20 years old.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook page, naglabas si Mickey na isang kilalang mixed martial arts fighter, ng kanyang nararamdaman hinggil sa pagpanaw ng panganay na anak.

“I Love you my Baby Yzabel Ablan
(heart emoji). I Love you more than anything in this world my Angel
(angel emoji).

“Nag promise ka hinde mo ako iiwan Ate (broken heart emoji).

Baka Bet Mo: Luis nanupalpal uli ng basher na nagsabing ang dami nilang paarte ni Jessy: ‘Parang kayo ang nakalunok kay Mickey Mouse’

“Heaven Gained another Angel (praying hands emoji).

“I’m so Lost and Confused!

“Ikaw dapat mag lilibing sakin bakit biglang ako na maglilibing sayo…” ang pahayag pa ng partner ni Janna.

Sa isa pa niyang post inamin ni Mickey na, “Sinking in …. I Love you my 20 Year old Baby Girl soon much Yzabel Ablan my Heart is so Broken.”

“You had so many Plans and Dreams Ate Yzabel Ablan…

“If only I was with you at your Condo maybe the Outcome would have been different.

“I Love you so much,” ang mensahe pa niya para sa yumaong anak.


Kasunod nito, nabanggit din ni Mickey sa hiwalay niyang post sa FB na araw-araw niyang kinukumusta si Yzabel, mula sa paggising hanggang sa pagtulog nito.

Baka Bet Mo: Shayne Sava kinawawa sa ‘AraBella’: Hinulog ako sa dram, itinulak sa swimming pool at kung anu-ano pa’

“Every Day Morning and Night me and Yzabel Ablan would message to ask about her sleep her day at school etc.

“This message was just yesterday Morning an Hour before she was rushed by her Yaya to the Hospital she was all happy and jolly and making plans to visit her new born brother at Clark.

“Parang Bangungot lahat toh nangyari bakit ganon..

“Wala pang 24 Hours since i last saw her and sobrang okay si Yza but now wala na iniwan na nya ako,” pagbabahagi pa ni Mickey.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon ay hindi na makikita sa FB ni Mickey ang mga nasabing post.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending