Luis nanupalpal uli ng basher na nagsabing ang dami nilang paarte ni Jessy: 'Parang kayo ang nakalunok kay Mickey Mouse' | Bandera

Luis nanupalpal uli ng basher na nagsabing ang dami nilang paarte ni Jessy: ‘Parang kayo ang nakalunok kay Mickey Mouse’

Ervin Santiago |January 31,2023
facebook
share this

Luis nanupalpal uli ng basher na nagsabing ang dami nilang paarte ni Jessy: ‘Parang kayo ang nakalunok kay Mickey Mouse’

Ervin Santiago - January 31, 2023 - 07:49 AM

Luis nanupalpal uli ng basher na nagsabing ang dami nilang paarte ni Jessy: 'Parang kayo ang nakalunok kay Mickey Mouse'

Baby Peanut at Luis Manzano

AYAW pa ring tantanan ng mga bashers ang mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola na walang ginawa kundi mang-okray sa kanilang anak.

Pinagbigyan na ng celebrity couple ang hiling ng kanilang mga fans and supporters na ipakita na sa buong universe ang itsura ng panganay nilang anak.

Sa pamamagitan ng kanilang mga Instagram accounts, nagpa-face reveal na nga sina Luis at Jessy at proud na proud na ipinakita ang mala-anghel na sk Isabella Rose “Rosie” Tawille Manzano.

Kasabay nito ang selebrasyon ng unang buwan ni Baby Peanut na super cute na cute sa kanyang close-up pictures kung saan makikita ang kanyang buong mukha.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jessy Mendiola – Manzano (@jessymendiola)


Ang caption ni Luis sa kanyang IG post, “Happy 1 month our little Peanut (heart emoji).”

Mensahe naman ni Jessy sa kanyang post “Hello world, meet Isabella Rose Tawile Manzano (rose emoji). Happy 1 month, our little Rosie!”

Binati ng mga celebrities at netizens sina Luis at Jessy pati na rin ang one-month old nilang anak. Halos lahat sila ay nagsabing napakaganda ng sanggol.

Ngunit sa gitna nga ng magagandang comments ng netizens ay may naligaw na ilang haters tulad ng isang IG user na tinawag na “paarte” sina Luis at Jessy dahil pinaabot pa raw ng isang buwan bago nila ipinakita ang face ng bata.

Pang-aasar ng netizen, “Ni reveal din dami pang paarte.”

Nabasa ito ni Luis kaya naman agad niya itong niresbakan at nilait ang profile picture ng basher sa Instagram. At nadamay pa ang nimated cartoon character ng Walt Disney na si Mickey Mouse.

Panunupalpal ni Luis sa basher, “Salamat rin po sa pic niyo, parang kayo nakalunok kay Mickey Mouse.”

Nauna nang binuweltahan ni Luis ang mga bumabatikos sa kanila ni Jessy lalo na yung mga taong atat na atat na makita ang mukha ni Baby Rosie matapos mag-post ang first-time parents ng litrato ng bata na may takip o kalahati lamang ang nakalabas na face.

Hindi rin pinalagpas nina Luis at Jessy ang mga nagkomento na baka raw may something ang sanggol kaya kalahating mukha lamang nito ang ibinahagi nila.

Luis sa bashers: Babasahin ko ang comments n’yo na niyuyurakan ang pagkatao ko

Jessy nakiusap sa haters: Sana ‘wag nating i-crucify ang isang tao dahil lang mali yung sinabi niya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jessy aminadong na-insecure kay Luis: Siya ang naging mundo ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending