Basher na tumawag ng babaero kay Mickey barag kay Janna: 'Ang tanda-tanda mo na bastos ka pa! Ikaw ang mag-ingat sa karma!' | Bandera

Basher na tumawag ng babaero kay Mickey barag kay Janna: ‘Ang tanda-tanda mo na bastos ka pa! Ikaw ang mag-ingat sa karma!’

Ervin Santiago |October 22,2023
facebook
share this

Basher na tumawag ng babaero kay Mickey barag kay Janna: ‘Ang tanda-tanda mo na bastos ka pa! Ikaw ang mag-ingat sa karma!’

Ervin Santiago - October 22, 2023 - 07:54 AM

Basher na tumawag ng babaero kay Mickey barag kay Janna: 'Ang tanda-tanda mo na bastos ka pa! Ikaw ang mag-ingat sa karma!'

Mickey Ablan, Janna Dominguez kasama ang mga anak

BEAST mode” ang Kapuso actress na si Janna Dominguez sa isang netizen na inakusahang babaero ang kanyang partner na si Mickey Ablan.

Sa kanyang Facebook account, ni-repost ng komedyana ang isang artikulo kung saan nagpasalamat ang MMA fighter sa tatlong babaeng nagbigay ng unconditional love sa namayapa niyang anak na si Yzabel Ablan.

Ang tinutukoy ni Mickey ay ang biological mother ni Yzabel na si Denise, ang dati niyang karelasyon na si Iwa Moto at ang current partner nga niyang si Janna.

Banat ng isang netizen kay Mickey, “Babaero din pala… Nakatatlo na kaagad (laughing emoji).”

Nagkomento rin dito ang isa pang basher at nagsabing, “Sa pagkababaero nya mga anak nya ang sakripisyo karma nya.”

Inalmahan ito ni Janna at ipinost sa kanyang Facebook account ang screenshot ng komento ng netizen. Panunupalpal niya sa basher, “Sana un Ka Bastusan mo idaan mo sa Prayers Tanda Tanda mo na Bastos ka pa!

Baka Bet Mo: Janna Dominguez nag-sorry kay Yzabel Ablan: ‘Alam ko may hinaing siya…may mga pagkukulang din ako bilang nanay’

“I see nothing wrong with the Article tapos sasabayan mo ng Kabastusan mo not only sa Family namin but k Yzabel na Comment. ikaw mag ingat sa Karma!” ang matapang na banat ng “Pepito Manaloto” star.

Narito namam ang mga reaksyon ng FB followers ni Janna na halos lahat ay nagalit sa nasabing netizen.

“Kasuhan natin to para di na pamarisan pa ng iba Janna Dominguez.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Dapat po tlga nka seperate Facebook ng mga matatanda.”

“Hnd po dapat gnun magsalita kahit makadalawa o makatatlong partner man o higit pa hnd po babaero o lalakero un may mga kwento sa likod nun.. sample ko po ako hnd po ako pinalad sa mga past relationship ko pero sa ngaun happy married na ako.. hnd po tawag dun lalakero minalas lng po sa mga naun .. pasintabi po sana sa mga bnbitawan nyong salita sana po matanda ka na ay alam mo na sana bnbitawan mong salita.”

“Kasuhan niyo Janna Dominguez  pwede at pasok yan sa cyber libel.”

“Mga tao basta me masabi lang ..sila makakarma.”

“Hnd nman alam buong istorya makacomment lang..tanda na hnd man ngiisip.”

Baka Bet Mo: Mickey Ablan wasak ang puso sa pagpanaw ng anak: ‘Ikaw dapat maglilibing sa ‘kin, bakit biglang ako na maglilibing sa ‘yo?’

“KUNG SINO PA YUN MGA MATATANDA SYA PA U MAKITID ANG PAGIISIP.”

“Namatayan na nga sila manghuhusga kapa!! Atlis kahit nakatatlo siya nagkakasundo sila at minahal nilang pare pareo si Yzabel.”

“Itsura pa lang matapobre na !!! Ganyan mga matapobre hilig mamakialam sa Buhay Ng tao di Nalang Buhay nila atupagin katanda tanda na konting panahon Nalang nalalabi Sayo Lola mag Bago kana.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Walang respeto nagluluksa ang lhatsa pag kawal ni yza si ate nmn gusto mag pa sikat out of knowhere sinasbe nyo tsskkk… di nmn kayo releated sa family nila at ambag sa knila makapag slita..haytss tao nga nmn oh mema lng ggwa pa ng ikakaskit ng ulo inayy nanay.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending