Sid Lucero umaming nagalit kay Mark Gil nang mawasak ang kanilang pamilya | Bandera

Sid Lucero umaming nagalit kay Mark Gil nang mawasak ang kanilang pamilya

Ervin Santiago |October 08,2023
facebook
share this

Sid Lucero umaming nagalit kay Mark Gil nang mawasak ang kanilang pamilya

Ervin Santiago - October 08, 2023 - 11:18 AM

Sid Lucero umaming nagalit kay Mark Gil nang mawasak ang kanilang pamilya

Mark Gil at Sid Lucero

NAGALIT ang award-winning actor na si Sid Lucero sa yumao niyang ama na si Mark Gil nang hiwalayan nito ang kanyang inang si Bing Pimentel.

Diretsahang inamin ni Sid na totoong sumama ang loob niya kay Mark Gil dahil sa nangyari sa kanilang pamilya.

Ngunit ayon sa aktor, naiintindihan naman daw ni Mark ang kanyang naramdaman nu’ng mga panahong yun at never siya nitong hinusgahan.

Sa guesting ni Sid sa “Fast Talk with Boy Abunda” ng GMA 7 last Friday, natanong nga kung paano niya ilalarawan si Mark bilang ama.

“To me, medyo mahirap sagutin baka kasi hindi maintindihan ng iba. Dad did not have that big of a chance to become a father to me and my sister when we were growing up,” ang pagbabahagi ni Sid.

Aniya pa, “Because siyempre may sarili siyang buhay with my mom and may mga nangyari, naghiwalay kami.

Baka Bet Mo: Sid Lucero naghubo’t hubad sa ‘Reroute’; mas nadaliang makipag-sex scene sa lalaki kesa sa babae

“So even if she wanted to, hindi rin naging madali para sa kaniyang maging tatay para sa amin,” lahad ni Sid.

Kuwento pa ng aktor, nagtungo sila ng kanyang ina sa Cebu para doon manirahan matapos ang hiwalayan ng kanyang mga magulang. Hindi rin daw naging madali para sa kanila ang naging buhay nila doon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Fast Talk with Boy Abunda (@fasttalkgma)


Sunod na tanong ni Tito Boy, “Did you resent it?” Na sinagot ng aktor ng, “In the beginning.”

“Nagalit ka sa kanya?” follow-up na  tanong ng TV host.

“Yes. I think natural na epekto lang ‘yan kapag naghihiwalay ang mga magulang sa bata, ang nangyayari either ‘Kasalanan ko ba?’ or ‘Bakit ganoon ‘yung naging desisyon mo? Love is love, we have to fight for it.’

“And then as I grew up nagma-mature rin ‘yung pagtingin ko sa sitwasyon ko na ‘yun,” pagbabahagi pa ni Sid.

In fairness, nakausap naman daw ng aktor ang ama pati na rin ang kanyang nanay tungkol sa mga nararamdaman niya bilang produkto ng isang broken family.

“My dad was much older, and he was talking to someone who was basically walking into manhood,” ang sabi ni Sid tungkol sa naging reaksyon ni Mark.

Pagkatapos daw ng kanilang pag-uusap sinabi ni Mark na nauunawaan nito ang feelings niya, “Oh yeah. Wala siyang masabi.”

Cristy Fermin umalma nang magalit si Carla sa ama: Huwag n’yong sisihin si PJ Abellana!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sid Lucero naranasan nang makipag-sex sa loob ng kotse; Nathalie Hart na-shock: OMG! You’re so wild!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending