Cristy Fermin umalma nang magalit si Carla sa ama: Huwag n'yong sisihin si PJ Abellana! | Bandera

Cristy Fermin umalma nang magalit si Carla sa ama: Huwag n’yong sisihin si PJ Abellana!

Therese Arceo |March 17,2022
facebook
share this

Cristy Fermin umalma nang magalit si Carla sa ama: Huwag n’yong sisihin si PJ Abellana!

Therese Arceo - March 17, 2022 - 07:17 PM

Cristy Fermin umalma nang magalit si Carla sa ama: Huwag n'yong sisihin si PJ Abellana!

DIRETSAHANG tinawag ni Cristy Fermin ang pansin ng aktres na si Carla Abellana matapos nitong mabalitaan na nagalit ito sa kanyang amang si Rey “PJ” Abellana.

Matatandaang nitong Biyernes, March 11, nang magpa-interview si Rey sa kanyang showbiz show na “Cristy Ferminute” para mag-promote ng kanyang pelikulang “Mamasapano”.

Dito ay nagkaroon ng pagkakataon ang kolumnista na magtanong sa ama ni Carla kung kumusta na ang lagay nila ng asawang si Tom dahil matagal na ring kumakalat ang mga chika na hiwalay na ang dalawa.

Dito ay nasabi ni Rey kay ‘Nay Cristy na may naganap raw na one night stand sa side ni Tom na tila naging dahilan ng hindi pagkakaunawaan ng mag-asawa.

Agad itong nag-trending at makalipas ng ilang araw ay napabalita na nagalit nga raw si Carla sa ama dahil sa sinabi nito sa interview.

“Wala naman siyang kinakausap tapos noong may magsalita eh ang atake ay galit na galit ka. Bakit ka magagalit sa isang tao na nahingan lang naman ng pahayag tungkol sa inyong hiwalayan?” saad ni ‘Nay Cristy.

Dapat daw ay sila mismong dalawa ang umupo ay mag-usap ukol sa kanilang isyu.

“Hindi dapat magalit si Carla sa kanyang ama. Hindi mo dapat sisihin ang tatay mo na nagsalita dahil hindi niya kinusa ang pagbibigay ng impormasyon tungjkol sa inyo ni Tom. Tinanong namin siya,” lahad ni Nay Cristy.

Kung sana raw ay boluntaryong sinabi ni Rey ang mga detalye ay okay lang pero hindi raw dapat magalit dahil sinagot lang naman daw nito ang kanilang mga tanong.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)

 

Sey ni Nay Cristy, ““Umayos kayo. Lalo ka na, Carla. Umayos ka rin. Kasi may fan na nagtanong, ‘Is it true he’s gay?’ Kahit walang binanggit na pangalan, kung ‘yun ang palusot mo, mali ka pa rin na ikaw ay ni-like mo ‘yung ganu’ng tanong.

“E sino bang lalaki na iniuugnay sa ‘yo na nakahiwalay mo? Wala namang ibang Poncio Pilato, si Tom Rodriguez lang naman ‘yan. At saka ‘yung infidelity, bakit ni-like mo rin?”

Hindi rin nakapagpigil si ‘Nay Cristy dahil hindi nito nagustuhan ang balitang nagalit siya sa kanyang ama.

Aniya, dapat nga raw ay magpasalamat pa ito sa ama dahil tinuldukan nito ang ilang isyu na ibinabato kay Tom gaya na lamang ng pagkwestiyon sa kasarian nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey ni ‘Nay Cristy, “Kung ayaw ninyo na may ibang tao na nagsasalita para sa inyo, mag-usap kayong mag-asawa, kayong dalawa ang magkaintindihan. Dahil natural, si Rey, ama ni Carla na nagmamalasakit ay naaawa na rin sa anak niya sa kung ano-anong isyung nababasa at naririnig niya. ‘Wag niyong sisihin si Rey, nagsabi lamang siya ng totoo sa pakikipag-usap kay Tom Rodriguez.”

Bukas naman ang Bandera para sa pahayag ni Carla ukol sa kontrobersyang kinasasakutan nilang mag-asawa.

Related Chika:
Carla naimbiyerna kay PJ Abellana nang dahil sa ‘one-night stand’ chika kay Tom: She was questioning me why…
Cristy Fermin dinepensahan si Rey Abellana sa bashers: Susmaryosep! Nagpakatotoo na nga ‘yung tao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending