Pura Luka Vega nakalaya na makalipas ang 3 araw ng pagkakakulong
TATLONG araw mula nang hulihin at arestuhin, nakalaya na ang controversial drag queen na si Pura Luka Vega o Amadeus Fernando Pagente sa tunay na buhay.
Magugunitang noong October 4 nang biglang arestuhin ng mga pulis ang drag queen sa kanyang tinitirahan sa Sta. Cruz, Manila.
Kaugnay ito sa mga kasong paglabag sa Immoral Doctrines Obscene Publications and Exhibitions and Indecent Shows (2)(B)(3) AND (2)(3)(5) of Revised Penal Code Article 201 na may piyansang P72,000.
Kahapon (Oct. 6) pa sana nakauwi ang drag queen dahil naaprubahan naman na ang motion for bail niya, ngunit nanatili pa siya ng isang gabi sa piitan dahil nasaraduhan ang kanyang kampo sa pagpo-process ng kanyang release.
Ang pagkakahuli kay Pura Luka ay nag-ugat sa kasong isinampa ng mga deboto ng Black Nazarene, ang “Hijos del Nazareno.”
Recently lamang, umabot na sa mahigit kalahating milyon ang nalikom na donasyon para sa controversial drag queen.
Ang fundraising campaign ay inilunsad ng “Drag Den Philippines” director na si Rod Singh kasama ang ilan pang drag queens.
Baka Bet Mo: Ice Seguerra sa pagkakaaresto kay Pura Luka Vega: ‘Grabe na kayo makaalma…Ang bilis niyong magsampa ng kaso’
Ayon sa kanila, nais nilang matulungan si Pura Luka upang pansamantala itong makalaya.
Kasabay rin ng pagkakaaresto ni Pura Luka, nagpahayag ng suporta ang kapwa-drag performers na sina Manila Luzon, Eva Le Queen, Dee Dee Marie Holliday, Corazon Filipinas, Hana Beshie and Shewarma sa pamamagitan ng social media posts.
Sinabi nila na “oppressive” at isang form ng “persecution” sa LGBTQIA+ community ang ginawang pag-aresto kay Pura Luka.
Naglabas din ng hinaing ang OPM icon na si Ice Seguerra kung saan kinuwestyon niya ang mga mambabatas kaugnay sa karapatan ng mga LGBTQIA+ community.
Saad niya sa post, “To our lawmakers, saan na ang sinasabi ninyong separation of church and state? Saan yung sinasabi niyong kaya kayo nandiyan ay para gumawa ng mga batas na pangkalahatan?”
Samantala, sa kabila ng pagkakakulong ay naninindigan si Pura Luka na wala siyang masamang ginawa at hindi niya intensyon ang kutyain ang paniniwala ng mga tao.
“My intention was never to mock. I also would not like to invalidate their feelings. If they feel hurt or they feel offended, it’s their right to feel such,” sey ng drag queen.
Bukod sa Manila, nahaharap pa siya sa tatlong kaso sa Quezon City na isinampa naman ng “Philippines for Jesus Movement.”
Matatandaang nag-viral ang kanyang video na nagpe-perform gamit ang kantang “Ama Namin” na nakasuot ng damit ng Itim na Nazareno.
Lantarang kabastusan daw sa simbahan ang ginawa ni Pura Luka, ayon mismo sa ilang religious leaders kaya dapat siyang maparusahan.
Related Chika:
Paglaya ni Vhong Navarro sa kulungan fake news; vlogger binantaang ire-report ni Ogie Diaz dahil…
True ba, asawa ni Terence Romeo nakalaya na matapos makulong sa kasong estafa?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.