Ice Seguerra sa pagkakaaresto kay Pura Luka Vega

Ice Seguerra sa pagkakaaresto kay Pura Luka Vega: ‘Grabe na kayo makaalma…Ang bilis niyong magsampa ng kaso’

Pauline del Rosario - October 06, 2023 - 08:49 AM

Ice Seguerra sa pagkakaaresto kay Pura Luka Vega: ‘Grabe na kayo makaalma…Ang bilis niyong magsampa ng kaso’

PHOTO: Facebook/Ice Seguerra

NAGLABAS ng hinaing ang OPM icon na si Ice Seguerra matapos hulihin at arestuhin ang controversial drag performer na si Pura Luka Vega.

Ayon sa veteran singer, ang nangyari sa drag queen ay nagpapakita lamang kung gaano ka-limitado sa LGBTQIA+ community ang batas ng ating batas.

“This only goes to show how archaic Philippine laws are,” wika niya sa isang Instagram post kalakip ang mugshot ni Pura Luka.

Sey pa niya, “Madaling magsampa ng kaso sa isang taong naka ‘offend’ ng religious beliefs nang karamihan but meanwhile, wala pa ring karapatan sa mata ng batas ang mga LGBTQIA persons na tinatanggalan ng trabaho, sinasaktan, pinapatay na most often than not, ay dahil din sa religion.”

“Sa inyo, ‘nung paniniwala ninyo ang tinamaan, grabe na kayo makaalma. Ang bilis niyong magsampa ng kaso,” patuloy niya.

Baka Bet Mo: Pura Luka Vega nakatakdang magpiyansa matapos arestuhin, ilang drag queens nagpahayag ng suporta

Dagdag pa niya, “Kami, kabuhayan, karapatan, at dignidad ang inaalis ninyo sa amin pero ano, kibit-balikat lang at kailangan lang namin tanggapin at unawain?”

Kasunod nito ay kinuwestyon na rin niya ang mga mambabatas kaugnay sa karapatan ng mga LGBTQIA+ community.

Saad niya sa post, “To our lawmakers, saan na ang sinasabi ninyong separation of church and state? Saan yung sinasabi niyong kaya kayo nandiyan ay para gumawa ng mga batas na pangkalahatan?”

Noong October 4 nang maglabas ang Manila Regional Trial Court Branch 36 ng warrant of arrest laban kay Pura Luka.

Kaugnay ito sa mga kasong Immoral Doctrines Obscene Publications and Exhibitions and Indecent Shows (2)(B)(3) AND (2)(3)(5) of Revised Penal Code Article 201 na may piyansang P72,000.

Nagpanggap munang mga delivery riders ang mga pulis upang masiguro na naroon ang kanilang pakay na si Pura Luka Vega bago ito inaresto.

Lahad kay P/Lt. Col. Leandro Gutierrez, “Binasahan naman siya ng rights niya. Sinabi ‘yung warrant of arrest against him. Peacefully naman siyang sumama dito.”

Sa kabila ng pagkakakulong ay naninindigan si Pura Luka na wala siyang masamang ginawa at hindi niya intensyon ang kutyain ang paniniwala ng mga tao.

“My intention was never to mock. I also would not like to invalidate their feelings. If they feel hurt or they feel offended, it’s their right to feel such,” sey ng drag queen.

Matatandaang nag-viral ang kanyang video na nagpe-perform gamit ang kantang “Ama Namin” na nakasuot ng damit ng Itim na Nazareno.

Lantarang kabastusan daw sa simbahan ang ginawa ni Pura Luka, ayon mismo sa ilang religious leaders kaya dapat siyang maparusahan.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maine 6 years na sa showbiz: Ang bilis! Ang dami na ring nangyari at wala na akong mahihiling pa!

Pura Luka Vega humarap na sa korte, giit pa niya: ‘Drag is NOT a crime…This is hate!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending