Paglaya ni Vhong Navarro sa kulungan fake news; vlogger binantaang ire-report ni Ogie Diaz dahil…
“WALANG problema kung nakalaya si Vhong Navarro, good yan (sabay thumbs up). Kaya lang ‘wag nating i-mislead kasi baka mapikon ang korte lalo lang hindi siya bigyan ng chance (na makalaya).”
Iyan ang pahayag ni Ogie Diaz sa vlog nitong “Showbiz Update” kasama si Ate Mrena at special guest co-host na si Ate Dick.
Ayon kay Ogie, maging mapanuri ang mga nakakapanood ng balita sa YouTube na kapag puro voice over ay either fake o pinik-ap lang na pinalala at higit sa lahat, walang mukha ang may-ari ng vlog.
Pagpapatuloy ni Ogie, “Hindi po totoong nakalaya na si Vhong Navarro. Sana nga totoo ‘yung kanila (ibang YouTubers), yung pinalalabas. Ito sakit ng ibang vloggers (at) YouTubers, eh.
View this post on Instagram
“One time may nakausap ako (tinanong ko) ‘bakit mo ako ginagawan ng issue?’ Ire-report kita para ma-down ‘yang YouYube (channel) mo.
“Tapos nag-ano (private message) siya, ‘sorry po wala kasi akong trabaho ngayon ito lang po pinagkakakitaan ko ngayon, sorry po ida-down ko na po, huwag ninyo akong i-report.’ E, ngayon kapag nakakakita ako ng (matataas ang numero), ano ‘to for views?” sabi pa ni Ogie.
Sabi naman ni Ate Dick, “Nagkaroon ka pa tuloy ng emotional baggage kasi ginagawa ‘yang pagki-clickbait. Kasi hindi maganda kaya diyan ako galit na galit, minsan kasi ginagamit ang mga pangalan nila (artista) para lang mapanood. Saka kapag naka-turn off ang comments (section).”
Say din ni Ogie, “Oo, kapag naka-turn off ang comments section alam n’yo na kung bakit kasi mababasa yan ng algorithm ng YouTube na bakit maraming nagre-report dito, mada-down din sila.”
Sa mga legit YT channel lang dapat maniwala ang netizens tulad ng mga kilalang TV network, kilalang TV host-anchor ng news program at content creators na tulad nina Ogie Diaz, Mama Loi, Cristy Ferminute, Showbiz Now Na at iba pang personalidad na matagal nang may YouTube channel.
https://bandera.inquirer.net/320519/vhong-navarro-kinampihan-ng-ex-wife-na-si-bianca-lapus-the-truth-will-prevail-walang-iwanan
https://bandera.inquirer.net/316766/vhong-navarro-inasar-si-ruffa-gutierrez-sa-ex-boyfriend-na-si-john-lloyd-cruz
https://bandera.inquirer.net/325131/true-ba-asawa-ni-terence-romeo-nakalaya-na-matapos-makulong-sa-kasong-estafa
https://bandera.inquirer.net/303516/80-anyos-na-inaresto-ng-pulis-matapos-akusahang-nagnakaw-ng-mangga-nakalaya-na
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.