True ba, asawa ni Terence Romeo nakalaya na matapos makulong sa kasong estafa? | Bandera

True ba, asawa ni Terence Romeo nakalaya na matapos makulong sa kasong estafa?

Reggee Bonoan |September 27,2022
facebook
share this

True ba, asawa ni Terence Romeo nakalaya na matapos makulong sa kasong estafa?

Reggee Bonoan - September 27, 2022 - 04:44 PM

Ogie Diaz at Beatrice Pia White

NAKALAYA na raw si Beatrice Pia White, asawa ng PBA player na si Terrence Romeo base sa kuwento ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz sa vlog nila ni Mama Loi na “Showbiz Update” kasama si Tita Jegs.

Matatandaang nakasuhan si Pia ng estafa, use of fake names, at technical carnapping noong Enero 10, 2022 at pagkalipas ng walong buwan ay heto’t nakalaya na raw.

“May nagbalita sa akin na nakalaya na raw!” ang bungad na pahayag ni Ogie.

Napag-usapan kasi nila ni Mama Loi ang milyones na naloko kay Ogie sa investment scam na inaming kasalanan din niya dahil masyado siyang nagtiwala.

At saka niya naalala ang asawa ni Terrence Romeo na napakalaki umano ng nakuhang pera sa kanya at ang masama pa ay hindi niya ito solo kaya unti-unti niyang binayaran ang mga investors.

Tanong ni amama Loi kung nagparamdam na kay Ogie si Pia White, “Hindi pa nga, eh. Teka (tsinek kung may contact pa siya). Hayan, binlock na ako sa viber.  Sandali ‘yung isa na kasama niya, (Efcel Reyes), ayan, binlock din ako.  Ang galing ninyo! So, feeling ko talaga nakalaya kayo kasi binlock n’yo ako! Nakagamit sila ng cellphone, binlock nila ako sa viber.”

Dagdag pa niya, “Kawawa naman talaga ‘yung mga nagtrabaho ng matino at ipinagkatiwala sa inyo ‘yung pera. Sana nga magbago na kayo dahil sumasakit na rin ang ulo ko sa inyo, ang galing ninyo!”

Payo naman ni Mama Loi, “Sana po huwag n’yo na uulitin.”

“Naku, ‘yun nga ‘yung nabalitaan ko. Gaano katotoo, ito patanong ito, ah na diretso pa rin ang business?”

Gulat na sabi ni Mama Loi, “Ha?  Ano ba naman, nabigyan na nga ng second chance in life?”

“Oo, pero siyempre hindi pa rin tayo sigurado kung nakalaya na, may nagkuwento lang sa atin dahil nagpatuloy pa raw sa negosyo parang last month.

“E, kailan sila inano (kinulong). Di ba parang na-apprehend sila nu’ng January sa entrapment. Hindi sila nagpaparamdam ngayon. Balitaan n’yo naman po kami,” panawagan ni Ogie sa mga nakakakilala sa mga taong nabanggit.

May payo rin si Ogie sa taong may atraso sa kanya, “Kung sasabihin nga lang niya sa akin na ‘Mama Ogs, ido-donate ko na lang sa foundation mo kaysa ibigay sa ‘yo, okay lang!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas naman ang BANDERA sa magiging pahayag ng mga taong nabanggit ni Ogie.

Beatrice Pia White nabaon nga ba sa utang dahil sa bisyo ng asawang si Terrence Romeo?

80 anyos na inaresto ng pulis matapos akusahang nagnakaw ng mangga, nakalaya na

Dasal ni Gladys tinupad ng ‘Pepito Manaloto’; Boyet kumasa sa ‘gay lover’ challenge

Black & white photo ni Ice Seguerra viral na: Kalma lang kayo guys, ako lang ‘to…at buhay na buhay pa ako

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending