Jason Hernandez malalim ang hugot sa pagiging single: Ang hirap pala magkasakit mag-isa
MALALIM ang hugot ng singer at songwriter na si Jason Hernandez ukol sa pag-iisa.
Kasalukuyang may sakit ngayon ang estranged husband ni Moira dela Torre base na rin sa isa sa kanyang Instagram story.
“Ang hirap pala magkasakit mag isa.
Uutusan mo sarili mo tapos minsan ayaw sumunod,” saad ni Jason.
Kalakip nito ang larawan ng pagkaing may sabaw na madalas kainin ng mga taong may sakit.
Aware naman ang lahat na hiwalay na sila ng kapwa singer at songwriter na si Moira dela Torre.
Baka Bet Mo: Moira dela Torre may mga non-showbiz na manliligaw; Jason Hernandez magjojowa lang kapag annulled na ang kasal
View this post on Instagram
Isa ito sa mga naging kontrobersyal na paghihiwalay na talagang pinag-usapan sa social media matapos aminin ni Jason na siya ang rason kung bakit nauwi sa paghihiwalay ang kanilang masayang pagsasama.
Kamakailan lang nang mag-trending ang singer-songwriter dahil sa kanyang pakulo bago ilabas ang bagong single na “Ikaw Pa Rin”.
Akala ng madlang pipol ay may bago nang minamahal si Jason dahil sa “mystery girl” na kanyang ipine-flex sa social media ngunit ang mga posts nito ay may pagkakahalintulad sa mga pictures nila noon ni Moira.
Hanggang sa nagpasaring na ang kapatid ni Moira at sinabing itigil na ang paggamit sa kanyang kapatid.
Sinagot naman ni Jason ito at inisa-isa ang kanyang mga ginawa para muli silang magbalikan ng estranged wife.
Ngunit nitong Agosto lang nang aminin ni Moira na nagkakausap na silang muli upang isaayos ang pagpapawalang bisa ng kanilang kasal.
“We (Jason and I) were talking about papers. And we were talking about how God can turn things around even if it’s not what we thought that it would look like, that we can actually move forward without, you know, bitterness. Even if it’s not how we planned it,” lahad ni Moira.
Related Chika:
Ex ni Moira na si Jason Hernandez may bagong ‘hugot’ song tungkol sa pagsisisi, pag-aayos ng relasyon
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.