Moira dela Torre may mga non-showbiz na manliligaw; Jason Hernandez magjojowa lang kapag annulled na ang kasal | Bandera

Moira dela Torre may mga non-showbiz na manliligaw; Jason Hernandez magjojowa lang kapag annulled na ang kasal

Reggee Bonoan |August 30,2023
facebook
share this

Moira dela Torre may mga non-showbiz na manliligaw; Jason Hernandez magjojowa lang kapag annulled na ang kasal

Reggee Bonoan - August 30, 2023 - 12:02 AM

Moira dela Torre may mga non-showbiz na manliligaw; Jason Hernandez magjojowa lang kapag annulled na ang kasal

Jason Hernandez at Moira dela Torre

FINALLY, binanggit na ng singer-songwriter na si Moira dela Torre na nag-uusap na sila ng asawang si Jason Marvin Hernandez tungkol sa mga “papers” na siguradong may kinalaman sa kanilang annulment.

Ginawa ni Moira ang announcement sa nakaraang Davao show nito noong Sabado, Agosto 26 kung saan nag-viral ang video na ipinost ng Sunstar Davao.

Aniya, “We were talking about papers. And we were talking about how God can turn things around even if it’s not what we thought that it would look like, that we can actually move forward without, you know, bitterness. Even if it’s not how we planned it.”

Matagal na naming alam ang tungkol dito pero siyempre ayaw naming pangunahan si Moira at higit sa lahat, wala rin naman kaming go signal mula sa kanyang talent management at sa abogadong hahawak ng kaso.

Umabot ng mahigit isang taon bago nag-usap sina Jason at Moira dahil abala ang una sa resort business niya sa Palawan kung saan doon na siya naka-base dahil hands on siya rito at luluwas lang ng Manila kapag may gig.

Si Moira naman ay abala rin sa mga concerts here and abroad kaya talagang hindi nagtatagpo ang dalawa at hindi rin nagtatawagan o anuman.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Habang sinusulat namin ang balitang ito ay tinawagan namin ang handler ni Moira na si Mac Merla tungkol sa mga detalye ng sinasabing “papers” ng singer pero nakiusap ito na hanggang doon na lang daw muna dahil marami pang inaayos.

Ang inawit ni Moira na “Rewritten Vow” ay siya rin niyang inawit sa kasal nila ni Jason noong Enero, 2019 na binago na ang lyrics kaya naging ganu’n ang title.

Baka Bet Mo: Moira nagsalita na ukol sa hiwalayan nila ni Jason: While our marriage was not perfect, I have stayed true to my vows

“Vows ‘yun before di ba, kumanta rin siya (Moira) binago na lang ang lyrics pero hopeful naman ‘yung vow hindi naman bitter o sinusumpa, very hopeful ‘yung message ng kanta,” sabi sa amin ni Mac.

Tinanong namin kung may karelasyon na ngayon si Jason, “Wala siyang relationship actually, hindi siya nagkaroon ng relationship from the start ng hiwalayan kasi nu’ng kinausap ako ni Jason ang gusto niya nasa tama ‘yung patutunguhan niya kasi mali na nga siya before.

“So, sabi niya (Jason), ‘gagawin ko pa ba another pagkakamali ko?’ Gusto niya once na ma-annul siya doon lang siya maghahanap ng relationship para tama lahat,” pahayag ng handler nina Jason at Moira.

Dagdag pa, “Which is tama rin naman ang paliwanag ni Jason dahil lahat naman nagkakamali, lahat naman nadadapa pero ang maganda kinokorek.”

Siyempre tinanong din namin kung may nagpaparamdam na rin kay Moira, “May mga hindi taga-showbiz, pero hindi ito nabibigyan ng pansin ni Moira kasi hindi rin naman siya lumalabas plus maraming trabaho.

“Kung lalabas ang mga friends niya sa church ang kasama saka parang hindi pa rin siya ready.  Siguro wala muna, mag-focus muna siya sa trabaho,” mabilis na sagot sa amin ni Mac.

Jason Hernandez sa mga parinig daw ni Moira: ‘Tinatanggap ko na lang kasi nagkamali naman talaga ako…I deserve it’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ex ni Moira na si Jason Hernandez may bagong ‘hugot’ song tungkol sa pagsisisi, pag-aayos ng relasyon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending