John Prats nagpahayag ng suporta kay Moira dela Torre

John Prats nagpahayag ng suporta kay Moira dela Torre: Sana maging mapayapa na ang lahat!

Pauline del Rosario - June 01, 2023 - 11:08 AM

John Prats nagpahayag ng suporta kay Moira dela Torre: Sana maging mapayapa na ang lahat!

John Prats, Moira dela Torre

SA gitna ng kontrobersiya na binabato sa “hugutera” singer na si Moira dela Torre ay nagpaabot naman ng suporta ang aktor at concert director na si John Prats para sa matalik niyang kaibigan.

Sa pamamagitan ng Instagram ay ibinandera ni John ang ilang litrato nila ni Moira.

Ayon pa sa kanyang caption, “Praying na sana maging mapayapa na ang lahat [folded hands emojis].”

Paalala pa niya kay Moira, nandyan lang siya parati para sa kanya bilang kuya.

Sey niya sa post, “I’ll always be your kuya! Big Hug and i love you @moiradelatorre [red heart emoji]”

Baka Bet Mo: Kampo ni Moira dela Torre nagbantang magdedemanda matapos magsalita si Lolito Go para ipagtanggol si Jason Hernandez

 

View this post on Instagram

 

A post shared by John Paulo Q. Prats (@johnprats)

Para sa mga hindi pa masyadong aware, ilang beses nang nagkatrabaho sina John at Moira.

Ilan na lamang diyan ay ‘yung pag-direk ni John sa kauna-unahang concert ni Moira, at ang music video para sa kantang “Tagpuan.”

Kamakailan lang ay dumepensa si Moira laban sa mga akusasyon ng songwriter na si Lolito Go at binigyan ng paglilinaw ang mga ipinukol na isyu sa kanya.

Iginiit ng singer na never siyang kumuha ng ghostwriter at kailanman ay hindi niya niloko ang dating asawa na si Jason Hernandez.

“I want to set things straight once and for all. Let me be clear: I have never employed a ghostwriter,” paglilinaw niya.

Saad pa ni Moira, “I did not cheat on Jason. It is unfair that I find myself in a position where I have to defend my name and even explain why I did not deserve to be cheated on.”

Matatandaan taong 2019 nang ikinasal ang dalawang singer.

Kinumpirma naman nila ang kanilang paghihiwalay noong 2022 kasabay ng pag-amin ni Jason na naging “unfaithful” siya sa kanyang misis sa loob ng tatlong taon ng kanilang pagsasama.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dingdong kay Marian Rivera: Ikaw ang Miss Universe ng buhay ko

EXCLUSIVE: John Prats babalik lang sa pag-arte kung makakatambal si Heart Evangelista

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending