Moira dumepensa sa mga akusasyon ni Lolito Go: I did not cheat on Jason…I have never employed a ghostwriter
BINASAG na ng singer-songwriter at sentro ng kontrobersiya ngayon na si Moira dela Torre ang kanyang katahimikan hinggil sa mga kinakaharap na isyu.
Ngayong araw, May 30, ibinahagi ng kilakang “hugutera” singer ang isang official statement patungkol sa nagsabga-sangang isyu na kinasasangkutan.
Panimula ni Moira, “I never imagined that I would find myself in a situation where I have to explain and defend my decision to leave a marriage, as well as justify the state of my mental health.
“It is truly disheartening that I am being questioned and asked to prove my worth as a songwriter and artist. However, despite the overwhelming circumstances, I feel a strong inner calling to stand up for myself and protect my integrity.”
Nais ngang linawin ni Moira ang mga isyu na ipinupukol laban sa kanya.
“I want to set things straight once and for all. Let me be clear: I have never employed a ghostwriter. Throughout my career, I have been fortunate enough to collaborate with immensely talented artists who treat each other with respect and acknowledge the contributions we all bring to the table.
“Every song I have created is a true reflection of my deepest emotions and experiences,” pagbabahagi ni Moira.
View this post on Instagram
Baka Bet Mo: Jason Hernandez may pa-face reveal ng ‘mystery girl’, mahal pa rin si Moira?
Handa rin ang singer-songwriter na maglabas ng mga ebidensya para patunayan ang kanyang mga pahayag gaya ng mga screenshots ng kanyang pakikipag-usap at mga recordings ng kanyang kanta.
Bukod pa rito, sinabi ni Moira na kailanman ay hindi niya niloko ang asawa.
“I did not cheat on Jason. It is unfair that I find myself in a position where I have to defend my name and even explain why I did not deserve to be cheated on,” giit niya.
Sa ngayon ay ang pokus ni Moira ay ang paghilom mula sa mga nagdaang pinagdaanan na nagdulot ng trauma sa kanya.
“This process is not only essential for my own well-being but also for the well-being of those dear to me who have unwaveringly stood by my side throughout these challenging times-my loving family, my dedicated band, my friends, who have all been my source of emotional support.
“Their presence has been my anchor, grounding me during these turbulent moments,” sey ni Moira.
Dagdag pa niya, “I hold onto hope that, one day, when the dust settles and clarity is restored, I will have the capacity to embrace a love that is faithful and genuine. I take solace in the knowledge that I am Moira-an artist-who will bravely navigate these challenges and emerge stronger than ever.”
Isa ang “Malaya” singer sa mga personalidad na talagang pinag-usapan ngayong buwan matapos ibandera ng kanyang estranged husband na si Jason Hernandez sa social media ang isang “mystery girl” na inakala ng madlang pipol na bago niyang karelasyon only to find out na parte ito ng promotion ng kanyang bagong kanta na pinamagatang “Ikaw Pa Rin”.
Umani ng samu’t saring reaksyon mula sa madlang pipol ang naturang kanta ni Jason at isa na nga rito ang kapatid ni Moira na si Jmee.
Ayon sa kapatid ng singer, kabaligtaran sa reyalidad ang mga lyrics ng kanta nito lalo na’t hindi naman daw nag-effort si Jason sa kanyang ate before and after ng kanilang marriage.
Pagpunto pa niya, bakit raw kinakailangan pang i-manipulate ni Jason ang mga tao na mahal pa rin nito si Moira lalo na’t hindi naman daw talaga. Bukod pa rito, imbyerna rin siya sa paggamit nito ng mga video clips nila before at sinabing “for clout” lang ang ginawa ng estranged hubby ng kanyang kapatid.
Sinagot naman ito ni Jason at pinabulaanan ang mga pahayag ni Jmee. Nag-reach out nga raw siya rito ngunit naka-block siya kaya nag-post na lamang siya sa Facebook para depensahan ang sarili with screenshots para patunayang nag-effort siya at desperate na siya para muling silang magkabalikan ng asawa.
At dito na nga mas umingay ang isyu sa pagitan nina Moira at Jason. Marami na ring mga netizens ang naglabas ng kanilang opinyon sa isyu ng dalawa at lately nga nag-post na rin ang lyricist na nakatrabaho nila noon na si Lolito Go.
Ipinagtanggol nito si Jason laban sa mga netizens na patuloy bina-bash ng tao dahil hindi na raw niya ito ma-take. ibinahagi ang kanyang mga experiences sa hugutera singer kung saan sinabihan niya itong “ilang beses” nagsinungaling sa kanya, mine-message lang siya kapag may kailangan at diumano’y may ghost writer raw ito.
Marami naman ang nagtanggol sa Cornerstone artist at pinabulaanan ang mga pahayag ni Lolito.
Base sa latest update ay nagbantang magsasampa ng kaso ang kampo ni Moira laban kay Lolito base na rin sa Facebook post ni Atty. Joji Alonso.
Lahad ni Atty. Joji, “I have been advising a celebrity client not to pursue legal action against her estranged husband, despite strong grounds against him, and instead focus on the more important issue – where a Petition is set to be filed.
“Then today, someone writes a story filled with lies and decides to make it a ‘pinned post’, with no intention other than discrediting and maligning said client. No matter how much I believe in forging peaceful co-existence, this is not one we will let pass. This someone must be sued and take accountability.”
Related Chika:
Kampo ni Moira dela Torre nagbantang magdedemanda matapos magsalita si Lolito Go para ipagtanggol si Jason Hernandez
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.