Jason Hernandez may pa-face reveal ng 'mystery girl', mahal pa rin si Moira? | Bandera

Jason Hernandez may pa-face reveal ng ‘mystery girl’, mahal pa rin si Moira?

Therese Arceo |May 25,2023
facebook
share this

Jason Hernandez may pa-face reveal ng ‘mystery girl’, mahal pa rin si Moira?

Therese Arceo - May 25, 2023 - 05:56 PM

Jason Hernandez may pa-face reveal ng 'mystery girl', mahal pa rin si Moira?
MATAPOS ang ilang araw na pagiging laman ng social media, tuluyan na ngang ini-reveal ng singer-songwriter na si Jason Hernandez ang kanyang “mystery girl”.

Nitong Miyerkules, May 24, naglabas ang estranged husband ni Moira ng kanta na pinamagatang “Ikaw Pa Rin” kung saan makikitang parte pala ng music video niya ang mga inilabas niyang larawan noong mga nakaraang araw.

Ang “mystery girl” na matagal nang palaisipan sa madlang pipol ay para lang pala sa kanta ni Jason at nakilala nga bilang si Sumaya McEvoy.

Infairness, pretty ang kanyang napiling “mystery girl” upang mag-represent sa kanyang music video.

Pero ang mas kinagulat ng mga netizens habang pinapanood ang music video ng kanta ni Jason ay ang paglabas ng clips mula sa kasal nila noon ni Moira.

Ito nga ay indikasyon na ang kantang inilabas niya ay para sa kanyang estranged wife at pagpapakita na mahal pa rin niya ito sa kabila ng kanilang paghihiwalay.

Baka Bet Mo: Jason Hernandez trending dahil sa ibinanderang ‘mystery girl’, nagkabalikan nga ba sila ni Moira dela Torre?

Ngunit iba-iba naman ang naging reaksyon ng mga netizens matapos mapanood at mapakinggan ang kanta.

“Huwag sana nating ilagay ang pressure kay Moira after listening to Jason’s song. If you want to win her back ipakita mong nagbago ka na, yung better version mo. Pray to God after all, kung kayo talaga the universe will conspire to make it happen,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Grabe nakakaiyak, really praying na magkabalikan kayo kasi si Jesus ang Lord n’yo! Win her back plssssssss mag-asawa kayo, iisa kayo! At Kristiyano kayo. Super ganda ng song.”

Lakas nang Tama mo Jason… llang sakong
Mangga na kinain mo? mangaGamit ang
ferson,” sey naman ng isang netizen.

Dagdag pa ng isa, “Kaya pala nag-ingay kc mag song na irerelease. Moira don’t deserve to cheated. She is a very beautiful person in and out.. Sana magmove on ka na din at hayaan mo sya maging masaya.”

Wala pa namang pahayag si Moira hinggil sa bagong release ni Jason.

Related Chika:
Jason Hernandez tuloy ang pagpe-flex sa kanyang mystery girl: ‘Siya ang nagligtas sa ‘kin, ang nagbalik ng aking ngiti’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jason Hernandez tuloy tuloy ang pa-‘soft launch’ ng kanyang mystery girl

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending