Jason Hernandez muntik nang sumuko sa paggawa ng musika pero... | Bandera

Jason Hernandez muntik nang sumuko sa paggawa ng musika pero…

Therese Arceo |September 12,2023
facebook
share this

Jason Hernandez muntik nang sumuko sa paggawa ng musika pero…

Therese Arceo - September 12, 2023 - 11:23 PM

Jason Marvin Hernandez muntik nang sumuko sa paggawa ng musika pero...
INAMIN ng singer-songwriter at estranged hubby ni Moira dela Torre na si Jason Hernandez na sumagi sa kanyang isipan na mag-quit na paggawa ng musika.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang naging rason kung bakit niya binalak na talikuran ang music industry.

“Yesterday, I was thinking about quitting music,” panimula ni Jason.

Aniya, nagkaroon daw sila ng pag-uusap ni Lord kung saan sinabi nito na pakiramdam niya ay masyado na siyang nasira ng mga nagdaang kontrobersiya.

“I had this conversation with God where I told Him ‘I think my time is over. I think I’ve messed up too much to impact anyone with my music’,” pagpapatuloy ni Jason.

Aware naman ang lahat na naging usap-usapan sila ng kanyang asawang si Moira matapos mapansin ng mga netizens na tila nahaharap sa problema ang dalawa.

Makalipas ng ilang buwan buhat mang ma-issue kung nagkakalabuan na nga ba sila ay inamin ni Jason noong May 2022 na nagpasya na silang maghiwalay ni Moira.

Amin rin niya, siya ang may kasalanan kung bakit nauwi sa hiwalayan ang kanilang masayang pagsasama noon dahil sa mga naging pagsisinungaling niya sa asawa.

Baka Bet Mo: Moira dela Torre may mga non-showbiz na manliligaw; Jason Hernandez magjojowa lang kapag annulled na ang kasal

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

At dahil nga sa mga pinagdaanang kontrobersiya ay pinanghinaan ng loob si Jason kaya naman humingi siya ng sign kung dapat ba siyang magpatuloy pa sa paggawa ng mga kanta.

Sey niya, “So I asked Him to give me a win, a sign, or anything to let me know that this is still for me. Ang bilis ng sagot.”

Ang tinutukoy na “sagot” ni Jason ay ang pagkaka-nominate niya sa Awit Awards 2023.

Ito ang naging senyales ng singer-songwriter para magpatuloy.

“When you’re tempted to quit, remember that if God called you, He’ll be the one to sustain, guide, inspire, and strengthen you every step of the way,” sey pa ni Jason.

Samantala, sa ngayon ay nag-uusap ngayon ang mag-asawa upang ayusin na ang pagpapawalang bisa ng kanilang kasal.

Matatandaang ikinasal sina Moira at Jason noong January 2019 at naghiwalay noong May 2022.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Jason sinagot ang kapatid ni Moira matapos ang ‘maanghang’ na comments sa bagong MV: I gave my all to try to get her back!

Cristy Fermin naimbyerna sa ‘pakulo’ nina Moira at Jason: Ginagawa ninyong mga tanga ang sarili ninyo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending