Kilalang aktor type dyowain ang gwapong male star, pero anyare nang magkainuman? | Bandera

Kilalang aktor type dyowain ang gwapong male star, pero anyare nang magkainuman?

Reggee Bonoan |October 02,2023
facebook
share this

Kilalang aktor type dyowain ang gwapong male star, pero anyare nang magkainuman?

Reggee Bonoan - October 02, 2023 - 08:54 AM

Kilalang aktor type dyowain ang gwapong male star, pero anyare nang magkainuman?

Guess, guess who!? Ma-gets n’yo kaya kung sino sila?

UMUUWI kaagad ang isang kilalang aktor pagkatapos ng taping ng mga ginagawa niyang teleserye.

Hindi niya naging ugali ang tumambay pa sa set at makipagtsikahan sa mga co-stars niya pero kapag oras pa ng trabaho ay tsumitsika naman siya.

Heto na ang kuwento ayon sa aming source, “Pagkatapos ng taping ng ____ (serye) first time nakita ni ____ (kilalang aktor) si ____ (guwapong male star) at bigla siyang nagpabili ng pagkain at alak (mamahaling brand) saka niya niyaya si ____ (guwapong male star) at tsikahan daw sila tungkol sa work.”

Palibhasa first time makatrabaho ni guwapong male star si kilalang aktor kaya umokey naman at sabay silang kumain, pero tumanggi itong uminom dahil may isang eksena pa raw siya.

Kitang-kita kung gaano ka-enjoy si ____ (kilalang aktor) habang kausap si ____ (guwapong male star) at nagtatawanan pa sila at naringgan na pinapayuhan pa ng una ang huli pagdating sa mga projects nito.

Pagpapatuloy ng aming source, “Kasi nga nagbibigay galang si ____ (guwapong male star) kay ___ (kilalang aktor) kaya laging may ‘po at opo’ sa pag-uusap nila plus napansin ni ____ (guwapong male star) na naiiba na ang topic.

“Kaya kung ano na lang ang tanong ni (kilalang aktor) ‘yun lang ang sinasagot. Napansin siguro na tumabang na sa pakikipag-usap si ____ (guwapong male star) kay ____ (kilalang aktor) kaya nagpaalam tong si ____ (kilalang aktor) na may kukunin lang sa van pero bitbit niya ‘yung alak at hindi na bumalik,” kuwento sa amin.

Baka Bet Mo: Jennylyn ‘iniwan’ agad ni Dennis 1 araw pagkatapos magpakasal: Siyempre, nakakalungkot

Nagtaka raw si guwapong male star kung bakit umalis na si kilalang aktor at hindi na bumalik at sinabi nga nu’ng co-actor nila na “type” siya.

“Nagulat ang lolo (guwapong male star) mo, sabi niya, ‘talaga ba, ganu’n siya?'” sabi pa ng aming source.

May mga naririnig na rin kami tungkol sa kilalang aktor pero siyempre puro lang naman rinig-rinig wala namang pruweba pero dahil kilala namin ang aming source bukod pa si guwapong male star ay nakakatsikahan na rin namin at first hand information kaya naniwala kami.

Pero binibigyan pa rin namin ng benefit of the doubt ang kilalang aktor dahil baka “kapatid” na ang tingin niya sa guwapong male star dahil nga hindi na niya kasama ang kapatid niya.

Nagkasama ang dalawa sa big project na pawang premyado ang mga kasama kaya rin ito tinanggap ng guwapong aktor dahil dream niyang makasama sa work ang mga beterano.

Kilalang male star sugatan na naman ang puso matapos maghiwalay ng ka-live in

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Baguhang male star na-trauma sa pambu-bully ng kilalang aktor matapos sabihan ng, ‘Wag mong i-associate ang sarili mo sa mga sikat!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending