Arnold Clavio inalala si Mike Enriquez sa kanyang ika-72nd birthday: Miss na kita | Bandera

Arnold Clavio inalala si Mike Enriquez sa kanyang ika-72nd birthday: Miss na kita

Therese Arceo |September 30,2023
facebook
share this

Arnold Clavio inalala si Mike Enriquez sa kanyang ika-72nd birthday: Miss na kita

Therese Arceo - September 30, 2023 - 10:31 PM

Arnold Clavio inalala si Mike Enriquez sa kanyang ika-72nd birthday: Miss na kita

EMOSYONAL ang mamamahayag na si Arnold Clavio nang alalahanin niya ang namayapang veteran broadcaster na si Mike Enriquez.

Nitong Biyernes, September 29, nag-post ng isang slide video ang mamamahayag sa kanyang Instagram page bilang paggunita sa ika-72nd birthday ng sumakabilang buhay na kaibigan.

“Miss kita Ama… Ngayong puwede nang isigaw sa buong mundo na birthday mo!!!” panimula ni Arnold.

Pagpapatuloy niya, “Musta ka ba sa itaas? Salamat sa patuloy na paggabay Ama. Kita na kayo ng daddy ko?”

Halata ang pangungulila ni Arnold sa isa sa mga “24 Oras” news anchors na itinuring na rin niyang ama-amahan.

Unang nagkasama ang dalawa sa news broadcasting shoe na “Saksi” kung saan nagsimula ang kanilang magandang pagkakaibigan.

Baka Bet Mo: GMA nagluluksa sa pagpanaw ni Mike Enriquez, Mel Tiangco napaiyak: ‘His dedication to the industry will serve as an inspiration to all’

Ngunit noong August 29, tuluyan nang namaalam si Mike dahil sa sakit nito sa edad na 71.

Matatandaang sa naging tribute para kay Mike noong September 1, ibinandera ni Arnold na isa siya sa mga paboritong katrabaho ng namayapang broadcaster.

“Dumating sa punto na pakiramdam ko ay paborito niya akong anak. Ama nga ang tawag ko sa kanya,” pagbibida niya.

Biro pa ni Arnold, “Tita Baby [asawa ni Mike], dumating talaga sa punto na gusto ko na magpa-DNA.”

Ibinahagi rin nito ang malaking utang na loob at lubos niyang pasasalamat kay Mike dahil sa naging paggabay at pag-alalay nito sa kanya noong nagsisimula pa lang siya sa mundo ng pagbabalita.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Arnold Clavio sa paggamit ni Manny Villar sa ABS-CBN frequency: Anong tawag sa viewers nila… Ka-Mella?

Arnold Clavio: Sa mga umaasa na ako ay lumala at tuluyang mamatay, panalangin po ang aking alay…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending