Mike Enriquez inilaban ang buhay hanggang sa huling hininga, nagpa-dialysis pa bago pumanaw | Bandera

Mike Enriquez inilaban ang buhay hanggang sa huling hininga, nagpa-dialysis pa bago pumanaw

Ervin Santiago - September 06, 2023 - 07:28 AM

Mike Enriquez inilaban ang buhay hanggang sa huling hininga, nagpa-dialysis pa bago pumanaw

Lizabeth Yumping-Enriquez, Mike Enriquez at Jessica Soho

LUMABAN hanggang dulo ang veteran broadcaster na si Mike Enriquez sa kanyang karamdaman bago tuluyang namaalam nitong nagdaang August 29. Siya ay 71 years old.

Yan ang ibinahagi ng kanyang naulilang asawang si Lizabeth “Baby” Yumping-Enriquez na umaming hindi pa rin lubos-maisip na wala na ang pinakamamahal na mister na nakasama niya ng 46 years.

Nag-share si Baby ng ilang detalye tungkol kay Mike at sa naging kundisyon nito habang nakikipaglaban sa kanyang sakit matapos sumailalim sa kidney transplant noong December, 2021.

Nakapanayam ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” last Sunday, September 3, kay Baby na kinunan sa burol ni Mike sa Christ The King Church sa Greenmeadows, Quezon City.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“I think, it hasn’t sunk in yet (pagpanaw ni Mike). Kasi marami pang tao, pero I’m sure all of these, tapos ako na lang mag-isa sa bahay. I don’t know, I really don’t know,” ang emosyonal na pagbabahagi ni Baby.

“Pero lumaban siya?” ang tanong ni Jessica. “Of course. Yes, Yes, up to the end,” tugon ni Baby.

Matagal-tagal ding nakipaglaban si Mike sa kanyang sakit, “Ang tagal. Kaya nga ang nagiging consolation ko na lang ngayon kahit it’s very sad, kasi he’s been through a lot, his body na was full of ano na, e, holes.

“Yung huling hole niya is yung tracheostomy ba yun? Nilagyan na siya ng ano dito (lalamunan). At the end, dina-dialyze na siya because of the infection. It was affecting his kidneys already, so they had to do dialysis. And dito nila pinapadaan (kaliwang part ng leeg).

Baka Bet Mo: Ice sa pagpanaw ng ama ni Liza: ‘Matagal ka ring lumaban para sa bayan, para sa mga anak mo at sa cancer… ngayon pwede ka na magpahinga’

“Yung new kidney niya was doing well. No rejection at all. Kaya nga sabi ko, sayang, you know,” pagbabahagi pa ni Baby.

Kasunod nito, nagkakumplikasyon raw sa operasyon ng asawa dahil sa pneumonia, “Because nga, yun palang kidney transplant, they give you anti-rejection medicine.

“And that anti-rejection medicine lowers your immune system. So, kaya nahirapan ang mga doctors to arrest the infection because of that,” kuwento pa ng naulilang misis ni Mike.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sumailalim pa raw ang batikang news anchor sa naka-schedule nitong dialysis noong August 29, bago tuluyang pumanaw, senyales na talagang inilaban pa ni Mike ang kanyang buhay.

“But sadly, during his last day of having dialysis, his BP dropped and suddenly his heartbeat stopped,” aniya pa.

Hanggang sa i-message na siya ng caregiver ni Mike mula sa St. Luke’s Medical Center, “I was on the way na to the hospital, siguro mga one o’clock, and then suddenly the caregiver texted me na, ‘Ma’am, Sir Mike is being resuscitated already.’

“’Ha?’ Sabi ko, ‘Why?’ Hindi ko in-expect yun kasi routine na magda-dialysis siya, e, pang-ilang beses na niya yun. When I arrived at the hospital, three times na siya naano, e, na-revive. So, sabi ko, ‘Doc, tama na.’ Sabi ko, ‘Enough na.’

“Nakikita ko na parang nahirapan na nga siya, sabi ko, ‘Sige na, ano, kung pagod ka na.

“Lalo na nu’ng last minutes, pinalapit na ako nu’ng doctor, sinabi ko sa kanya, ‘Sige, Mike. I’ll be fine. I’ll be fine. I know God will not forsake me. Kung pagod ka na, you rest na. And I love you.’

“Yun lang ang sinabi ko and then I broke down na, e. Tinanong ko ho sa mga doctor, ‘Di niyo ho ba aalisin yung ventilator,’ will wait pa na ma-flatline siya. Tapos after several minutes, nilapitan na ako ng doctor, ‘Baby, nag-flatline na,'” pagbabahagi pa niya.

Nitong nagdaang Linggo, September 3, inilibing na si Mike Enriquez sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.

Angel sa Kakampinks: Huwag kang manghina dahil ibinigay natin ang lahat…itinaya ang pangalan at oras

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Klea Pineda sa lahat ng may cancer: Kailangan nilang lumaban, hangga’t may buhay laban lang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending