Angel sa Kakampinks: Huwag kang manghina dahil ibinigay natin ang lahat…itinaya ang pangalan at oras
“I AM proud to have fought with you to the very end!” Iyan ang mensahe ng Kapamilya TV host-actress na si Angel Locsin sa lahat ng mga Kakampink na lumaban para kay Vice President Leni Robredo.
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay nangunguna pa rin sa ginaganap na bilangan ng boto para sa pagkapangulo ng Pilipinas si dating Sen. Bongbong Marcos at pumapangalawa naman si VP Leni.
Sa partial and unofficial tally ng mga boto para sa May 9, 2022 elections, umabot na sa mahigit 30 million ang nakuhang boto ni BBM habang more than 14 million votes naman ang nahamig ni VP Leni as of 6:17 a.m..
Nagbigay ng pahayag si Angel patungkol sa patuloy na nagaganap na bilangan sa pamamagitan ng kanyang Instagram account kung saan nanawagan nga siya sa mga kapwa Robredo supporters.
“To my fellow kakampink volunteers, na-witness ko ang kakaibang passion na ibinigay natin sa eleksyong ito. I am proud to have fought with you to the very end,” simulang pahayag ng aktres.
Aniya pa, “Huwag kang manghina dahil ibinigay natin ang lahat…na walang pagaalinlangan.
View this post on Instagram
“Hindi tayo naging madamot, itinaya ang pangalan at oras. Lumaban kahit mahirap para sa ating paniniwala at sa kapwa.
“Kahit imposible. Lumaban tayo hindi para sa isang tao, kundi para sa bayan.
“Kaya kahit matatapos na ang bilangan. Piliin pa rin natin ang bayan. Piliin pa rin natin ang Pilipinas.
“Patuloy tayong magpakita ng malasakit at kumilos para sa kapwa.
“Ipinagdarasal ko na darating rin ang araw na makikita natin ang Pilipinas na minimithi. Taas noo. Salamat Mam Leni sa inspirasyon,” dagdag pa ng tinaguriang real life Darna dahil sa walang-sawang pagtulong sa mga kababayan nating nangangailangan.
Bukod kay Angel, nagbigay din ng pahayag ang iba pang celebrity supporters ni VP Leni na nagsabing hindi nila pinagsisisihan ang ginawang paninindigan para sa kanilang kandidato.
Sabi ni Pokwang, “Hindi po ako nagsisi na sinuportahan kita, at kahit kailan di ko ikahihiya na sinuportahan ko ang isang Leni Robredo.
“Thank you po at hinayaan nyo akong maging parte ng iyong journey, may mga nayakap at nakausap na tao nadagdagan ang kaibigan sa maiksing panahon ng mga rallies na nakasama ako, isang nakakapagod ngunit masayang experience kasama mga nagmamahal sayo,” sey ng komedyana.
Nagpasalamat din si Pokey sa lahat ng Kakampink na nakasama niyang nakipaglaban hanggang ending, “Back to work back to normal ang buhay laban ulit.”
Sabi naman ng Kapuso star na si Carla Abellana, ipinagmamalaki raw niya na si VP Leni Robredo ang kanyang sinuportahan at ipinaglaban.
https://bandera.inquirer.net/303420/heart-nadine-lantaran-na-kung-sino-ang-susuportahan-sa-eleksyon-2022
https://bandera.inquirer.net/308121/xian-gaza-nag-react-sa-viral-post-ni-valentine-rosales-just-a-black-propaganda
https://bandera.inquirer.net/300402/ibinigay-ko-na-po-lahat-im-very-satisfied-with-everything-that-i-did
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.