Ice sa pagpanaw ng ama ni Liza: 'Matagal ka ring lumaban para sa bayan, para sa mga anak mo at sa cancer... ngayon pwede ka na magpahinga' | Bandera

Ice sa pagpanaw ng ama ni Liza: ‘Matagal ka ring lumaban para sa bayan, para sa mga anak mo at sa cancer… ngayon pwede ka na magpahinga’

Ervin Santiago - August 08, 2023 - 04:46 PM

Ice sa pagpanaw ng ama ni Liza: 'Matagal ka ring lumaban para sa bayan, para sa mga anak mo at sa cancer... ngayon pwede ka na magpahinga'

“MATAGAL ka rin lumaban, Papa…pero ngayon, pwedeng-pwede ka na magpahinga.” Yan ang bahagi ng mensahe ni Ice Seguerra sa pagpanaw ng kanyang father-in-law na si Martin Diño.

Sa pamamagitan ng kanyang social media account, ibinahagi ng OPM icon ang pagbibigay-pugay ni Ice sa pagkamatay ng dating Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary.

Ibinalita ng anak ng former goverment official na si dating Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño-Seguerra ang pagyao nito kaninang madaling-araw matapos makipaglaban sa stage 4 cancer.

In-announce ito ni Liza sa kanyang Facebook account, “My dear Papa…

“You fought until the end; we all did. And you were surrounded by prayers of countless people whose lives you’ve touched.

“Only God knows why, despite all the outpour of love and support, things have to come to an end—but for now, at least no more pain na papa ko. I love you so much. You’re always in my heart,” ang mensahe pa ni Liza.

Baka Bet Mo: Ice Seguerra forever tatanaw ng utang na loob kay Bossing at sa Eat Bulaga: Ito ‘yung panahong nagpupumilit akong mag-loveteam

Narito naman ang mensahe ni Ice sa kanyang father-in-law na itinuring din siyang parang tunay na anak, kalakip ang litrato na kuha sa second wedding nila ni Liza sa San Juan, Batangas, noong January 8, 2015.

“Thank you so much, Papa Martin, for accepting and embracing me as one of your own. Please say hi to my dad ngayong magkasama na kayo.

“I remember our conversation when I asked you if you would allow me to marry your daughter; you readily said yes and that you were happy because you knew that I would take good care of Liza and Amara. Thank you for trusting me,” lahad pa ng singer-songwriter.

Patuloy pa niya, “Matagal ka rin lumaban, Papa. Lumaban para sa bayan, para sa mga anak mo, at sa cancer. Pero ngayon, pwedeng pwede ka na magpahinga.

“I love you, papa!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Ice Seguerra ‘binantaan’ ni Sylvia Sanchez: May araw ka rin! Tandaan mo, gagantihan kita!

Ice Seguerra hindi pwedeng mag-guest sa shows na katapat ng ‘Eat Bulaga’, bakit kaya?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending