Ice Seguerra 'binantaan' ni Sylvia Sanchez: May araw ka rin! Tandaan mo, gagantihan kita! Bandera

Ice Seguerra ‘binantaan’ ni Sylvia Sanchez: May araw ka rin! Tandaan mo, gagantihan kita!

Ervin Santiago |August 14,2022
share this

Ice Seguerra ‘binantaan’ ni Sylvia Sanchez: May araw ka rin! Tandaan mo, gagantihan kita!

Ervin Santiago - August 14, 2022 - 09:01 AM

Ice Seguerra at Sylvia Sanchez

ALIW na aliw at talagang napahagalpak ang mga netizens sa palitan ng kulitan, asaran at laglagan nina Sylvia Sanchez at Ice Seguerra sa social media.

Pinagtripan kasi ng OPM icon at songwriter ang nanay nina Arjo at Ria Atayde na si Sylvia nu’ng dumalaw ito sa bahay ng award-winning Kapamilya actress.

Piniktyuran kasi ni Ice si Ibyang habang natutulog ito at nilagyan ng caption na, “Nubayan… ito ba epekto ko sa iyo Nay?”

Naloka naman nang bonggang-bongga si Sylvia nang makita ang litrato niya sa FB page ng award-winning singer-songwriter.
Kaya ang resbak niya kay Ice, “Kaya, bawal talagang matulog pag itong taong to ang kasama mo.

“Hindi talaga mapagkakatiwalaan to. Bwisit ka nak! Hahahaha! Ice Diño Seguerra.
“May araw ka din. Itaga mo yan sa bato!!!!” ang “pagbabanta” pa ni Ibyang kay Ice.

“May araw ka din Ice Diño Seguerra. Nakadalawa ka na sa akin!!!” hirit pa ng premyadong aktres.


“Next time pag nasa bahay ko ikaw wag kang kumanta kanta para hindi ako makatulog!!! Punyemas ka!!!!

“Tandaan mo to!! Gagantihan kita!” birong hirit pa ni Ibyang.

May nauna pa kasing post ang asawa ni dating Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Dino sa FB kung saan nalitratuhan din niya si Ibyang na mahimbing na natutulog.

Bwelta ni Sylvia kay Ice, “Put*ng*ma! Naisahan mo na naman ako. Pinilit kong di makatulog, di ko kinaya kasi kanta ka ng kanta.

“May araw ka din talaga!!! Makakaganti din ako syo Íce Diño Seguerra,” hirit pa ng aktres.

Narito naman ang mga reaksyon ng netizens sa kulitan nina Ice at Ibyang na parang tunay na magnanay na nga ang turingan.

“Hahahaha ayan para ka yatang ibong adarna makatulog sa kanta mo. Hahahaha!”

“Relaxed siya sa presence mo ice hahahaha.”

“Nice one lodi kong aiza dalasan mo po mag singsang at pagbisita kay mam para nakakapagrest and chillax po siya ng totoo.”

“Naisahan ka na naman po kayo Mam Jojo Campo Atayde hehehe!”

“At least hindi ka naka nganga nung kinunan ka ng pic.”

“Sleeping beauty ang Nanay Sylvia ko.”

“Relaxed siya sa presence mo ice hahahaha!”

Pangarap ni Ice Seguerra na makapagdirek natupad na: Sa totoo lang, akala ko hindi na magkakatotoo

Ice Seguerra pinag-iipunan ang pagpapatanggal ng dibdib; saludo sa katapangan ni Jake Zyrus

Sharon niregaluhan ng bagong ‘baby’ si Ice Seguerra, nakatanggap din ng puppy mula sa netizen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending