Ice Seguerra hindi pwedeng mag-guest sa shows na katapat ng 'Eat Bulaga', bakit kaya? | Bandera

Ice Seguerra hindi pwedeng mag-guest sa shows na katapat ng ‘Eat Bulaga’, bakit kaya?

Therese Arceo |June 24,2023
facebook
share this

Ice Seguerra hindi pwedeng mag-guest sa shows na katapat ng ‘Eat Bulaga’, bakit kaya?

Therese Arceo - June 24, 2023 - 05:28 PM

Ice Seguerra hindi pwedeng mag-guest sa shows na katapat ng 'Eat Bulaga', bakit kaya?
INAMIN ng singer-composer na si Ice Seguerra na hindi siya maaaring mag-guest o lumabas sa programa na tatapat sa noontime show na “Eat Bulaga“.

Sa kanyang panayam kay Aster Amoyo na mapapanood sa YouTube channel ng huli ay napag-usapan nila ang naging journey ng singer-songwriter mula nang pasukin nito ang pag-aartista sa murang edad.

Aware naman ang lahat na nagsimulang makilala si Ice nang lumabas ito sa “Eat Bulaga” noong sumali ito sa Little Miss Philippines.

Bagamat hindi siya ang nagwagi ay nakitaan siya ng pagiging bibo at energetic kaya hindi kataka-takang nawili noon sina Vic Sotto sa kanya at isinama siya nito sa kanyang mga proyekto.

Kaya naman kahit na anong mangyari ay mananatili ang loyalty ni Ice sa TVJ. Ito rin ang dahilan kung bakit pinili niyang huwag lumabas sa mga programang katapat ng kanilang noontime show.

“While I know that there will always be two sides of the story, my loyalty remains with TVJ wherever they are,” saad ng singer.

Baka Bet Mo: Ice Seguerra forever tatanaw ng utang na loob kay Bossing at sa Eat Bulaga: Ito ‘yung panahong nagpupumilit akong mag-loveteam

Kung sakali raw na imbitahan siya ng bagong bihis na “Eat Bulaga” ng mga Jalosjos ay tatanggihan niya ito.

“Will I go? No, like what I’ve said hindi ko tatablahin ‘yung TVJ, kahit ano pang show,” sey pa ni Ice.

Sa katunayan ay kahit ang Kapamilya noontime show na “It’s Showtime” ay maayos niyang tinatanggihan sa tuwing iniimbitahan siya ng mga ito.

“I have friends with It’s Showtime. But when they would ask me can you guest here, I would alwasy say, pasensya na po. I don’t guest in any show na katapat ng Eat Bulaga,” pagbabahagi ni Ice.

Sa katunayan ay maski sa kanyang kontrata ay nakasulat ito tanda ng kanyang pagpapahalaga sa TVJ at kay Mr. Tuviera.

“And it’s even in my contract. Nakalagay dun, any show na katapat ng Eat Bulaga, hindi ko sasamahan,” pag-amin ni Ice.

Chika pa niya, “I really treated them as family. Like you know I have weekends sa bahay ni Tito Vic with his kids. Sina Oyo, si Ate Danica… It’s because of my personal relationship with them.”

Related Chika:
Ice Seguerra hinding-hindi malilimutan nang biglang malaos, plano nang mag-quit sa showbiz: Tutugtog na lang ako sa barko…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ice Seguerra umaming tsine-check pa rin ang mga ex-dyowa, OK lang kaya kay Liza Diño?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending