Senior citizen dumulog sa ‘CIA with BA’ dahil sa perang hindi makuha mula sa insurance company | Bandera

Senior citizen dumulog sa ‘CIA with BA’ dahil sa perang hindi makuha mula sa insurance company

Ervin Santiago |September 21,2023
facebook
share this

Senior citizen dumulog sa ‘CIA with BA’ dahil sa perang hindi makuha mula sa insurance company

Ervin Santiago - September 21, 2023 - 06:54 AM

Senior citizen dumulog sa ‘CIA with BA’ dahil sa perang hindi makuha mula sa insurance company

Boy Abunda, Pia Cayetano at Alan Peter Cayetano

NAGTUNGO si Aling Nora sa public service program na “CIA with BA” para humingi ng tulong kaugnay ng kanyang pera na hindi makuha mula sa isang insurance company.

Sa “Payong Kapatid” segment ng episode nitong Setyembre 17, hiningi ng senior citizen ang payo nina Sen. Alan Peter at Sen. Pia Cayetano at TV host na si Boy Abunda.

Ayon kay Aling Nora, ang pera na inihulog niya sa Loyola Consolidated Plans ay kinita niya mula sa pagtatrabaho bilang overseas Filipino worker sa Singapore mula 2012 hanggang 2016.

Noong 2019, nagdesisyon siyang kunin ang pondo ngunit ang sabi sa kanya ng mga nasa insurance company ay patuloy lamang siyang mag-follow up.

“Meron pa nga pong nakalagay do’n sa papel ko na makukuha ko na by January 19, 2019,” kwento niya. “Nu’ng pumunta ako, ang sabi nila wala pang pera ang Loyola.”

“E, pinaghirapan ko po ‘yon, magkano lang ang sahod namin sa Singapore that time. Dapat po ‘yung panghulog ko sa Loyola na ‘yan, dapat ipanghuhulog ko sa NHA (National Housing Authority) para magkaroon ako ng lote,” pagpapatuloy ni Aling Nora.

Ayon kay Sen. Alan, “Sa batas mismo, pag within 15 days at hindi ibinigay ‘yung claim mo at tama [naman] ‘yung claim mo, pwede ka nang pumunta sa Insurance Commission (IC). Hindi lang ‘yung claim, pati ‘yung danyos ay pwede mo nang i-claim ‘yon.”

Baka Bet Mo: Lolit Solis niresbakan ng fans ni Bea: ‘Ipamukha pa na nalaos, kumulubot at lumaylay si Bea nang iwan ni Gerald? Sure ka, lola?’

“What we’re going to do is our lawyers are going to accompany you. We’re going to ask, not only for you pero pati dun sa mga iba na naipit nga dito sa Loyola.

“I will make sure na mapanood ng Insurance Commission itong testimony mo kasi kung hindi lang ito sa’yo nangyayari, hindi ‘yan talaga ‘yung intent nung mga reforms na ginawa,” sabi niya.

Sa pagtatapos ng segment, ini-report ng CIA with BA na ayon sa IC, ang insurance company na nabanggit ay under receivership proceedings dahil sa financial deficiencies.

Para sa proteksyon ng planholders, nag-issue ang IC ng stay order kung saan ang mga payment to claims ay suspendido hanggan sa magkaroon ng sapat na assets converted to cash at handa na para sa distribution.

Sinigurado rin ng IC na ang pangalan ni Aling Nora ay nasa listahan ng kanilang schedule for planholders’ benefit payable.

“I’m grateful na may opportunity tayo to do public service because beyond the legal advice, meron tayong mga after-the-show support na mabibigay,” sabi ni Sen. Pia sa pagtatapos ng episode.

Ang “CIA with BA” ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador.

Si Sen. Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang “Compañero y Compañera” noong 1997 hanggang 2001.

Tutukan ang “CIA with BA” kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:30 sa GMA 7.

DJ Chacha may hugot sa mga insurance agent: Lakas maka-ghosting ah!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hirit ni RR Enriquez: Kung may sakit na ‘ko at nasa 70 plus na, hindi na ako sasawsaw!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending