DJ Chacha may hugot sa mga insurance agent: Lakas maka-ghosting ah! | Bandera

DJ Chacha may hugot sa mga insurance agent: Lakas maka-ghosting ah!

Therese Arceo |August 18,2022
facebook
share this

DJ Chacha may hugot sa mga insurance agent: Lakas maka-ghosting ah!

Therese Arceo - August 18, 2022 - 02:46 PM

DJ Chacha may hugot sa mga insurance agent: Lakas maka-ghosting ah!
HINDI napigilan ni DJ ChaCha ang mapahugot ukol sa kanyang mga naging experiences sa mga insurance agents na nakikilala niya.

Sa kanyang Twitter account ay inilabas niya ang kanyang sama ng loob sa mga ito dahil pakiramdam niya ay nabibiktima siya ng “ghosting”.

“Mga insurance agent na natatapat saken lakas maka-ghosting ha,” simula ni DJ ChaCha.

Aniya, pagkatapos raw niyang maibigay ang bayad ay deadma na ang mga ito sa kanya.

Pagpapatuloy pa ni DJ ChaCha, “After mabigay ang bayad parang hindi niyo nako kilala. Bat ganoin?”

Marami naman sa mga netizens ang naka-relate sa kanyang tweet at tila may bubog rin sa mga naging insurance agents nila.

“Same dj cha! Kapatid pa naman ng close friend ko tapos after ako maapprove at magbayad ng 1 year biglang di na ako sinasagot sa mga DMs ko na inquiry. Samantalang noon kino-convince pa akong kumuha, araw araw nangangamusta,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Happened to me also. Simple document hiningi ko di daw sila nag-issue ng ganun. Tapos open daw ako ng account para dun icredit payment eh 2x a year lang yun. 10K ang maintaining. Very impractical.”

“Huyyyyy agent ko ba to? HAHAHAHA nanghihingi ako ng hard copy ng insurance ko, mag 2 years na di pa rin ako nabibigyan,” sey naman ng isa.

Wala namang sinabi si DJ ChaCha kung saang insurance company ang tinutukoy niyang agent at nang may magtanong na netizen sa kanya kung sino ito ay hindi na rin niya pinangalanan at sinabing “Nakupo halos lahat sila” with laughing emojis.

Related Chika:
DJ Chacha hinamon ng ina ni Heaven: Mag-tag kayo kung talagang matapang kayo, wag puro parinig!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

DJ Chacha dinipensahan si Jake Cuenca sa mga bashers: Konting simpatya naman dyan

DJ Chacha naaksidente habang nagbibisikleta sa Bulacan: Ang lala talaga ng mga lubak!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending