Cristy Fermin, Ted Failon, DJ Chacha tuloy ang pag-ariba; TRUE FM waging Best Radio Station sa 11th Makatao Awards | Bandera

Cristy Fermin, Ted Failon, DJ Chacha tuloy ang pag-ariba; TRUE FM waging Best Radio Station sa 11th Makatao Awards

Ervin Santiago - October 04, 2023 - 07:15 AM

Cristy Fermin, Ted Failon, DJ Chacha tuloy ang pag-ariba; TRUE FM waging Best Radio Station sa 11th Makatao Awards;

Cristy Fermin, Ted Failon, DJ Chacha at iba pang anchor ng TRUE FM

MAY bagong milestone na nakamit ang Radyo5 TRUE FM matapos tanghalin bilang Best Radio Station sa 11th Makatao Awards ng People Management Association of the Philippines o PMAP.

Ang pagkilalang ito ay nagpapakita ng malaking tagumpay para sa Radyo5 mula nang nag-rebrand ito noong Marso at binago ang kanilang programa upang maghatid ng makatotohanang at makabuluhang balita na may kasamang programang serbisyong pampubliko sa FM band.

Ayon sa NIELSEN ratings, nasa ika-7 puwesto ang istasyon sa FM band at ika-8 puwesto sa lahat ng istasyon sa bansa, lumampas sa DZBB na nasa ika-10 puwesto.

Samantala, batay sa KANTAR ratings, kinilala ang TRUE FM bilang nasa Top 5 sa ikalawang quarter ng 2023.

Tumaas din ang weekly listenership ng istasyon dahil umabot ito sa impresibong 23%. Kasalukuyan pa itinuturing na most followed radio station page sa bansa ang Radyo5 TRUE FM dahil sa 5.2 milyon followers nito sa Facebook.

Ang mga numero na ito ay nagpapatibay ng malaking pag-unlad na nagawa ng istasyon sa pagiging top choice ng mga radio listeners para sa “real, relatable and reliable content” na hango sa kanilang battlecry na “Dito Tayo sa Totoo!”

Baka Bet Mo: Ted Failon nahawa na rin ng COVID-19; DJ Chacha humiling ng dasal

Kabilang sa mga pangunahing programa ng TRUE FM ang “Bangyon Bayan with Mon” ni Mon Gualvez, “Ted Failon & DJ Chacha,” ang flagship news program na “Radyo5: Balita Pilipinas,” “Sana Lourd” ni Lourd De Veyra, “Pinoy Konek” ni Danton Remoto, “Dr. Love” ni Bro. Jun Banaag, “Wanted sa Radyo” ni Senador Raffy Tulfo, “Healing Galing” ni Dr. Edinell Calvario, “Cristy Ferminute” ni Cristy Fermin, at marami pang iba.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)


“With these achievements, Radyo5 TRUE FM reaffirms its commitment to transparency, accuracy, and fairness in journalism while continuing to provide quality content that resonates with its target audience,” sabi ni Raul M. Dela Cruz, Radyo5 TRUE FM General Manager.

“Tune in to the country’s real, relatable, and reliable radio station and find out why more and more listeners are getting hooked to Radyo5 TRUE FM’s engaging programs,” dagdag pa niya.

Jose Mari Chan, Ogie Alcasid, Angeline Quinto, iba pang OPM icons hahataw sa ‘YuleStars: A Christmas Concert Series’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ted Failon wala nang balak sumabak sa politika: ‘Hanggang sa lagutan ako ng hininga, sa radyo lang ako’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending