Rhian hiling ang mas makatotohanang pagtalakay sa TV ng mga LGBTQ+ story | Bandera

Rhian hiling ang mas makatotohanang pagtalakay sa TV ng mga LGBTQ+ story

Ervin Santiago |November 01,2020
facebook
share this

Rhian hiling ang mas makatotohanang pagtalakay sa TV ng mga LGBTQ+ story

Ervin Santiago - November 01, 2020 - 03:00 PM

BILANG tagasuporta ng LGBTQ+ community, hiling ni Rhian Ramos na mas maging bukas pa ang publiko sa mga programang may kinalaman sa buhay ng mga gay at lesbian.

Naging hot topic sa social media ang kissing scene nila ni Jennylyn Mercado sa drama anthology ng GMA na “I Can See You.” Talagang trending sa Twitter sa halikan nila na ikinagulat ng viewers.

Maraming natuwa at humanga sa matapang na pagtalakay ng GMA sa lesbian relationship lalo na ang mga members ng LGBTQ community. At umaasa sila na ito na ang hudyat ng mas marami pang TV show kung saan hindi na kailangan pang tanggalin o i-edit ang mga intimate at kissing scene ng gay couples.

Sabi nga ni Rhian, mas maiintindihan at maa-appreciate ng manonood  kung magiging makatotohanan ang mga eksena na may gay o lesbian roles. Ito’y para malaman din ng publiko ang tunay na nararanasan at pinagdaraanan nila.

“I think naman na the more we do scenes like this, the more na magiging realistic ’yung mga pinapalabas natin.

“Kasi whether or not ise-censor natin siya, we already know naman na this is real life,” sey ng Kapuso star.

“Sayang din kasi kung hindi mo i-e-explore ’yung kuwento. Bakit kapag straight handang-handa tayong i-explore lahat? Na lahat pinapakita natin kung paano sila ma-in love, ’yung buong kuwento napapakita natin,” aniya pa.

Hirit pa niya, “Tapos most of the time kapag gay roles or lesbian roles, parang ’yung nae-explore lang natin na part du’n ’yung mga hindi makatotohanan. It’s either nagpapatawa lang or kung may landian man, ’yung isa interested ’yung isa hindi. Alam niyo ’yun?”

“Kailangan din na maging mas realistic tayo at mas true to life ’yung mga pinapakita natin na kuwento,” pahayag pa ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Inamin naman ni Rhian na nu’ng una ang akala niya ay dadayain lang ang kissing scene nila ni Jennylyn pero nang sabihin sa kanya ni Jen na game siyang gawin ito ay pumayag na rin siya para mas maging makatotohanan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending