DJ Chacha hinamon ng ina ni Heaven: Mag-tag kayo kung talagang matapang kayo, wag puro parinig! | Bandera

DJ Chacha hinamon ng ina ni Heaven: Mag-tag kayo kung talagang matapang kayo, wag puro parinig!

Alex Brosas |August 23,2021
facebook
share this

DJ Chacha hinamon ng ina ni Heaven: Mag-tag kayo kung talagang matapang kayo, wag puro parinig!

Alex Brosas - August 23, 2021 - 09:03 AM

DJ Chacha at Heaven Peralejo

MUKHANG may namumuong word war between DJ Chacha at ang madir ni Heaven Peralejo na si Luane Peralejo.

Nag-tweet kasi nang magkasunod si DJ Chacha na may konek sa pang-aahas o pang-aagaw ng dyowa.

“Wag niyong kaugalian mang-agaw ng jowa o makiepal sa relasyon ng iba. Makakasanayan niyo yan. Hanggang sa pagtanda, madadala niyo yang ugali na yan.”

“Kapag walang name drop wag mag-assume na para sayo ang post. Kapag tinamaan ka, hindi na kasalanan.”

Ang feeling ng mom ni Heaven  ay para sa anak niya ang patutsada kaya naman nag-tweet din siya.

“Yung mga taga-showbiz diyan na gusto mag-promote ng bashing pero puro encrypted message, mag-tag kayo kung talagang matapang kayo. Huwag puro parinig tapos kapag sinugod ng fans, sasabihin niyo wala kayong minention. Oo, para sa ‘yo ‘to, DJ Chacha,” tweet ng mommy ni Heaven.

Ang feeling kasi ng marami ay may nangyaring agawan nang maging magdyowa sina Heaven at Kiko Estrada. Naging dyowa ni Kiko si Devon Seron at nagkasama silang tatlo sa morning series na “Bagong Umaga”. 

Noong una ay todo-deny pa si Heaven na dyowa niya si Kiko pero lately ay inamin niya rin ito.
Kumasa kaya si DJ Chacha sa hamon ng nanay ni Heaven? 

* * *

Tagumpay ang pagpapaikot ni Lena (Erich Gonzales) kay Adrian (JC de Vera) dahil tuluyan na itong nahumaling at napaibig sa kanya sa teleseryeng “La Vida Lena,” na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Magugulat na lang si Lena na magpo-propose ng kasal si Adrian sa kanya pagkatapos niyang magsinungaling na buntis siya at dinadala niya ang anak nila. Mangangako naman si Adrian na papanindigan niya ang bata kahit pa tutol ang mga magulang niya rito.

Kahit naman hindi pa nila nakikilala si Lena, kontra na ang mga magulang ni Adrian na sina Vanessa at Lucas (Agot Isidro at Raymond Bagatsing) sa dalaga dahil naaapektuhan na nito ang trabaho ni Adrian sa kumpanya nila.

Maging ang mga kakampi ni Lena na sina Ramona (Janice de Belen) at Jordan (Carlo Aquino) ay tutol sa planong pagpapakasal ni Lena kay Adrian dahil baka ikapahamak lang niya ito.

Kasabay ng plano ni Magda na paibigin si Adrian para mawasak ang kanilang pamilya ay ang pakikipagsabwatan niya sa ambisyosong si Miguel (Kit Thompson), ang pinsan ni Adrian na gustong maagaw ang posisyon nito sa kumpanya.

Ano ang mangyayari sa pamilya Narciso sa oras na malaman nina Adrian, Vanessa, at Lucas na nalusob na sila ng kalaban?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Subaybayan ang paghihiganti ni Lena sa “La Vida Lena” gabi-gabi, 10 p.m. sa Kapamilya Channel at iba pang platforms.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending