DJ Chacha naaksidente habang nagbibisikleta sa Bulacan: Ang lala talaga ng mga lubak! | Bandera

DJ Chacha naaksidente habang nagbibisikleta sa Bulacan: Ang lala talaga ng mga lubak!

Ervin Santiago |October 11,2021
facebook
share this

DJ Chacha naaksidente habang nagbibisikleta sa Bulacan: Ang lala talaga ng mga lubak!

Ervin Santiago - October 11, 2021 - 10:55 AM

DJ Chacha

NAAKSIDENTE ang radio at TV personality na si DJ Chacha o Czarina Balba sa tunay na buhay habang nagbibisikleta sa isang lugar sa Bocaue, Bulacan.

Ito ang kauna-unahang aksidenteng kinasangkutan ng partner sa radyo ni Ted Failon bilang isang biker mula nang mag-start siya magbisikleta para na rin sa kanyang kalusugan.

Nitong mga nakaraang linggo, regular na nagbabahagi ang sikat na DJ ng mga “cycling adventures” nila ng kanyang non-showbiz husband na si Michael Guevara.

Ikinuwento ni DJ Chacha sa kanyang mga social media followers na nangyari ang insidente nang sumali siya sa long-distance biking kahapon, Oct. 10 kasama ang ilan pang bikers. 

Ipinost niya sa Instagram ang ilang litrato kasama ang kanyang bisikleta at ang mga sugat na tinamo mula sa pagkakaaksidente.

“My first bike accident happened today. Ang ruta namin ay QC-Barasoain Church-QC. Excited ako kase siyempre first 80km ride ko. Napakasakit, Kuya Eddie. Char.

“Pero seryoso, mahapdi. Nadale ako ng lubak sa Bocaue, Bulacan. Hindi naman kabilisan yung takbo ko pero ang lalim ng lubak, hindi ako nakapreno agad. Kasalanan ng preno! Char! 

“Ayoko naman isisi sa lubak pero sabe ng mga residente lagi raw talagang may naaaksidente sa area na ‘to ng Bocaue. Buti na lang walang mabilis na sasakyan sa likod ko dahil baka hindi lang ito inabot ko,” pahayag ni DJ Chacha sa caption.

Patuloy pa niya, “Pero ang nakakaloka kanina, pagtayo ko una kong inisip yung bike ko. Aguy, nu’ng nakita ko yung gasgas, mas humapdi yung sugat ko.”

Ayon kay DJ Chacha, maswerte pa rin siya dahil minor injury lang sa hita ang kanyang tinamo at kaunting damage sa gamit niyang bike. 

“The Lord really protected me today. Kahit may nangyaring ganito pasalamat pa rin kay Lord dahil nailaban pa rin makauwi kahit injured na. 

“Lesson learned na rin talaga sakin at sa lahat ng Bikers po, doble ingat talaga tayo. Okay lang mabagal, maingat, dahan-dahan pero safe naman,” aniya pa.

Sa huling bahagi ng kanyang IG post, nanawagan na rin si DJ Chacha sa local government officials ng Bulacan para ayusin ang mga lubak-lubak na kalsada na naging dahilan ng aksidente.

“Bulacan LGU, pakiayos po please. Pasama na rin Valenzuela LGU. Anlala talaga ng mga lubak. Akala ko nasa Moon ako sa tindi ng lubak. Char,” sey pa ni DJ Chacha.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ikinasal ang kilalang DJ sa businessman na si Michael Guevara noong 2019 at biniyayaan ng isang anak noong nakaraang taon, si Baby Savannah Alejandra. Ang panganay ni DJ Chacha ay si Saab na anak niya sa dating partner.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending