DJ Chacha: Ang mental health ay karapatan, hindi pribilehiyo lamang

SANG-AYON sa radio at TV personality na si DJ Chacha ang madlang pipol sa paniniwala niya hinggil sa isyu ng mental health sa Pilipinas.
Para kay DJ Chacha, kailangan ding bigyan ng karagdagang atensiyon at importansiya ng pamahalaan ang problema ng mga Pilipino tungkol sa mental health.
Mariing sinabi ng radio DJ, na isang “karapatan” ng bawat indibidwal ang mental health at hindi pribilehiyo lamang na para sa iilang tao.
Sa kanyang Facebook page, nanawagan siya na sana’y isama na ang mental health sa listahan ng mga priorities ng mga ahensiya ng gobyerno.
“ANG MENTAL HEALTH AY KARAPATAN AT HINDI PRIBILEHYO,” ang pagbabahagi ni DJ Chacha.
View this post on Instagram
Patuloy pa niya, “Sa bawat tahimik na pakikipaglaban, kailangan ng gobyernong nakikinig at kumikilos. Isama sana sa prayoridad ang mental health ng mga Pilipino.
“Mas maraming mental health experts, mas murang gamot at sapat na pasilidad para sa lahat,” lahad pa ng radio DJ at news anchor.
Batay sa record ng World Bank (WB), nakapagtala ang Pilipinas ng suicide mortality rate na 3.49 kada 100,000 populasyon noong 2021.
Sa ulat naman ng World Health Organization (WHO) taong 2023, nasa 12 milyong Pilipino ang nakararanas ng iba’t ibang uri ng mental health problems, kabilang na ang depresyon at anxiety.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
