Amy Perez sinubukang hanapin ang ama ng panganay na anak: Kahit google hindi siya mahanap | Bandera

Amy Perez sinubukang hanapin ang ama ng panganay na anak: Kahit google hindi siya mahanap

Therese Arceo |September 19,2023
facebook
share this

Amy Perez sinubukang hanapin ang ama ng panganay na anak: Kahit google hindi siya mahanap

Therese Arceo - September 19, 2023 - 07:56 PM

Amy Perez sinubukang hanapin ang ama ng panganay na anak: Kahit google hindi siya mahanap
IKINUWENTO ng TV host-actress na si Amy Perez na sinubukan nilang hanapin ang dating asawa at ama ng kanyang panganay na si Brix Ferraris.

Sa kanyang panayam kay Ogie Diaz na mapapanood sa YouTube channel ng huli ay buong tapang niyang inilahad ang pinagdaanan nila noon ng panganay na si Adi.

Ayon kay Amy, nasa halos apat na taon lang noon ang kanyang panganay nang maghiwalay sila ni Brix at simula noon ay hindi na nila ito nakita.

Si Brix ay naging bokalista noon ng bandang Southborder.

Saad ni Amy, “To be honest, wala talaga silang relationship because the last time na nakita ni Adi ‘yung daddy niya is I thonk mga 3 or 4 years old siya tapos nagpaalam noon si Brix na magta-timezone sila. Tinupad niya. Nag-timezone sila.

“I think during that time nung nagta-Timezone sila, pinangakuan niya ulit na babalik siya at [maglalaro] sila ulit na hindi naman bumalik si Brix.”

Baka Bet Mo: Mga anak ni Amy Perez inakalang ‘pinatay’ niya ang unang asawa: Sabi ko, ‘No! How can you say that!?’

Chika pa niya, nagsabi raw sa kanya ang dating asawa na hindi na niyo matutupad ang ipinangako niya sa anak kaya naman sinabihan niya ito na mas magandang siya mismo ang magpaliwanag sa bata dahil nag-e-expect ito.

Ngunit hindi naman daw ginawa ni Brix na kausapin si Adi sa nangyari tulad ng hinabilin ni Amy kaya naman naiwan na lang ang batang Adi na nag-aabang sa pangako ng ama.

Makalipas ang ilang taon ay nag-reach out daw sa kanya ang mga kapatid ni Brix dahil nais siyang makita ng mga ito.

Sey ni Amy, noong mga panahong ‘yun ay malaki na si Adi at nasa tamang edad na para magdesisyon sa mga bagay na gusto at ayaw niya.

“Never akong nagsalita kay Adi ng masama tungkol sa ama niya. Sinabi ko ito ‘yung nangyari, kinasal kami, marami akong nadiskubre. Kung anuman ‘yung nangyaro after that, kung anuman ang naging desisyon ng tatay mo kung bakit n’ya gonawa ‘yun sa atin, you will have to ask him, hindi ako.

“May mga times na siyempre nape-pressure ka no’n. Parang kapag tinitignan mo muuny bata, ang unfair naman. Bakit ako naiwan mag-isa doon sa responsibility in taking good care of our son? My point na ang tingin ko kay Adi noon, parang isang napakalaking responsibility na iniwan sa akin na everyday may struggle ‘yun na kailangan buhayin mo ‘yung bata hanggang sa nalagpasan namin ni Adi ‘yun,” kwento ni Amy.

Pero marami raw tanong ang anak na hindi nito matanong sa kanya lalo na’t hindi rin naman niya alam ang kasagutan.

At noong nagkaroon na nga ng bagong karelasyon si Amy na si Carlo Castillo, doon nagsimulang magtanong at maghanap si Adi kung nasaan ang kanyan ama.

Hindi man sinasabi ng TV host sa anak ngunit gumagawa pa rin siya noon ng mga paraan para hanapin ang dating asawa para makilala ni Adi.

Ngunit makalipas ang ilang beses na paghahanap nila Amy ay ang mismong anak na rin niya ang sumuko at tumigil sa paghanap sa ama.

“‘Di man niya directly sinsabi sa akin ‘yun. Pero parang tinuldukan na niya. Parang natanggap na niya na hindi na natin siya mahanap. Minsan dyino-joke na nga lang niya… ‘Yung puma-punchline na lang siya about his dad na ‘Wala e. Ganun talaga’. Alam ko kung gaano yung kasakit for him,” pagbabahagi ni Amy.

Aniya, nag-effort rin ang anak na hanapin ang ama.

“Pareho na kaming umabot sa conclusion na hindi natin siya mahanap, kahit google hindi siya mahanap. May mga nakapagsabi lang na nasa Amerika. Di ko na rin inalam kung may pamilya ba siya doon or ano. Basta meron na lang nakapagsabi sa akin na ayaw na niyang pag-usapan ‘yung tungkol sa anak niya kay Amy Perez. So okay na ‘yun sa’min,” sey niya.

Basta ipinapaliwanag raw niya rito na walang kulang sa kanya dahil nandyan ang tumayong daddy niya na si Carlo na siyang nagmahal at sumuporta sa kanya.

Related Chika:
Advice ni Amy Perez kay Karla Estrada bilang bagong host ng ‘Face 2 Face’: Umpisahan mo ang show bilang ikaw, hindi ako

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Amy Perez dumipensa nang sabihang ‘very reckless’ dahil sa patuloy na pagbabalita kahit may sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending