Amy Perez sa pinagdaraanan ngayon ng 'It's Showtime': Love will keep us together! | Bandera

Amy Perez sa pinagdaraanan ngayon ng ‘It’s Showtime’: Love will keep us together!

Therese Arceo |September 05,2023
facebook
share this

Amy Perez sa pinagdaraanan ngayon ng ‘It’s Showtime’: Love will keep us together!

Therese Arceo - September 05, 2023 - 08:18 PM

Amy Perez sa pinagdaraanan ngayon ng 'It's Showtime': Love will keep us together!

NANANATILING matatag ang TV host-actress na si Amy Perez sa kabila ng pinagdaraanan ng kanilang Kapamilya noontime program na “It’s Showtime“.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang larawan kasama ang iba pang “It’s Showtime” host na may kalakip na background music na “Love Will Keep Us Together” ni Anita Sarawak.

“[red heart emojis] Love will keep us together [red geart emojis],” maikling caption ni Tiyang Amy.

Matatandaang nahaharap ngayon ang programa sa hindi magandang sitwasyon matapos itong patawan ng 12-day suspension ng Movie and Television Review and Classification Board dahil sa reklamo ukol sa pagkain ng icing ng mag-partner na sina Vice Ganda at Ion Perez.

Sa kabila nito ay full support pa rin sina Tiyang Amy at iba pang mga “It’s Showtime” hosts sa isa’t isa sa kabila ng pinagdaraanang pagsubok.

Maging ang madlang people ay nagpahayag ng kanilang love and support sa Kapamilya noontime program.

Baka Bet Mo: Netizens umalma sa 12 araw na suspensiyon ng MTRCB sa ‘It’s Showtime’, Lala Sotto pinagre-resign

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Ok lang yan tyang amy, napakabilis na lang po ng araw ngaun. Waiting lang po kami [heart emojis],” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Hindi nito masisira ang @itsshowtimena !!! Ang inaapi ay sigurado iaangat! Sa dulo nito tayo pa rin ang magwawagi!!! We love you @itsshowtimena.”

Sey naman ng isa, “Mahal na mahal din po namin kayo Tiyang Amy at ang buong Showtime Family! Sa dami pong clips ng mga episodes ng Showtime sa social media, parang di naman kayo mawawala ng 12 days. Kahit lumang vids make me happy. Padayon lang po. Kami pong mga Madlang People ay nandidito lang po, nakasuporta at maghihintay sa inyo. Kapit lang po tayo. Ito po’y pagsubok ni Lord, na kahit masakit, kailangang daanan upang matupad yung Kanyang magandang plano para sa inyo po na bumubuo ng programa. Tandaan lang po palagi na mahal kayo ni Lord, at mahal din namin kayo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, naghain naman ng Motion for Reconsideration ang ABS-CBN at naninindigan ito na walang nilabag na batas ang “It’s Showtime”.

Related Chika:
Mga anak ni Amy Perez inakalang ‘pinatay’ niya ang unang asawa: Sabi ko, ‘No! How can you say that!?’

Advice ni Amy Perez kay Karla Estrada bilang bagong host ng ‘Face 2 Face’: Umpisahan mo ang show bilang ikaw, hindi ako

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending